moonchild

let the moon take you....

Tuesday, December 28, 2004

may sapi ang pc namin..

pakshet! may sapi 'tong pc namin dito sa office. nung una 'kala ko ako lang yung may sapi pero pucha! 'eto palang pc yung nagti-trip. ilang araw ng may amats 'to! tuwing mag-checheck ako ng blog ko laging hindi updated. buset talga! kala ko sa blog ko lang. tas tuwing i-checheck ko din yung blog ni jas at anne eh halos 48yrs. na yata nilang ginawa yun. kainis talga! parang kelangan ko pang mag-rent sa internet cafe para ma-update ako sa mga blog nila at saken. kainis talga!grrrr!

down season ang meri xmas ni lurns..





pasko. dapat steady lang ako. pero eto lang ang mga vicarious thrill na nakapagpangiti saken:

  • tinawagan ako ni p.i syempre para ma-greet lang ako ng merri krismas, kahit na-olats pa yung ketay nya. at parang humanap pa talaga sya ng landline makatawag lang. :)
  • tinext ako ni mareng aaron. alam ko malungkot din sya nun. :)
  • masaya si bestestjas dahil tinext sya ni goldfish ng mga katagang "i bliv u". kaya sa'yo buwan, salamat! :)
  • text ni annebeibe: "pinilit kong maging hapi. spent chrsmas eve at work. mejo biruan ng konti w my crush, he stood beside me! tok 2 ret ovr d fone :) kelan kya ako magkakaron ng ril bf?".. syencia na anne kung pinost ko dito yung text mo saken. natawa lang kasi ako sa tanong mo. at kahit vicarious lang yan, masaya ako para sayo. :) handa ka na ba?
  • "meri xmas man" text ni fafajeff. na occasionally at once in a blue moon lang ako maalala. actually, expected ko na rin na tetext nya ako dahil hindi naman nya nakakalimutan i-greet ako every year kahit wala syang ketay :) salamat 'tol!
  • si luna na maganda at maliwanag nung gabing yun. :)
  • ang pinaka-steady na ginawa ko: humiga sa duyan. tumingin sa langit. masdan ang mga dahong nalalaglag. damahin ang malakas at malamig na hangin. at kausapin si lurns. :)

Ang lungkot ay walang imik na dalangin. - Rio Alma

forwarded ni jasbeibe nung pasko. hiramin ko muna ha! hindi ko lam kung baket sobrang malungkot ako these past few days. yung feeling na parang punung-puno ng sakit at sama ng loob yung puso mo. yung feeling na anbilis ng tibok ng puso mo. na kulang na lang eh sumabog. at kahit ayaw mong maramdaman hindi mo mapigilan. na kahit anong gawin mo bigla na lang tutulo yung luha mo kahit na pabalikin mo sya sa mga mata mo. eto na nga yata yung panahon na nalungkot ako ng sobra. siguro dahil patapos na ang taon. ngayon ko nararamdaman lahat ng sakit na nangyari saken ngayong taon na'to. dahil sa mga 'yon nahihirapan akong humanap ng reason para sumaya. lam ko, nagiging unfair ako sa mga taong gustong maging masaya ako. pero mabuti na rin siguro na maramdaman ko yung sobrang lungkot na'to para mahanap ko yung rason kung pano ako magiging masaya. hindi man ngayon, pero darating din yun. kahapon, may isang bagay na nawala saken. hindi ko alam kung mahahanap ko pa o hindi na.. :(


Thursday, December 23, 2004

sumakit ang puso ko..

kagabi natulog sa bahay si bestest jas dahil nagpakapuyat kaming gawin yung 'super special gift' namin para kay annebeibe. as in like, nagkakalutkot kami ni jas sa kwarto ko habang tulog na ang lahat sa paligid. aliw nga eh, first time namin ginawa ni jas yun buti walang masyadong kapalpakan. ayos yung kinalabasan. gusto kong sabihin yung super special gift kaso baka mabasa na ni anne to eh hindi pa kami nagkikita (pero dapat talagang magpakita na sya samen mamaya. dahil lam namin sobrang gusto nya yung gift.hihi.) ganyan ka namin kahaylabsyu oso!
ibang kwento naman:
alam ko kahapon medyo ayos naman ako. kahit pano steady naman. pero nung bandang gabi na parang wala na akong gusto pang maramdaman. hindi ko alam kung baket ngayon nagkakasabay-sabay ang mga sablay sa buhay ko. burned out na ako sa halos ng lahat ng bagay. burned out ako sa trabaho ko, sa problema sa bahay, pati sa kwento at kilig sa puso pagod na rin yata ako. kagabi, habang kinakarir namin ni jas yung gift namin kay anne iniisip ko yung mga bagay na'to. parang andami ko nang namiss gawin. yung mga bagay na hindi ko na naeexperience, mga bagay na hindi ko na nararamdaman ngayon di tulad nung panahon na hindi pa busy ang puso ko. yung mga bagay na mabababaw lang na nakakapagpasaya saken. mga bagay na nakakasakit saken pero wala akong kino-consider na may ibang masasaktan. na pag ginawa ko 'to, at may sinabi akong gan'to, hindi ko iisipin na may isang taong bukod saken eh masasaktan(wala po akong pinapatamaan, gusto ko lang pong sabihin yung nararamdaman at naiisip ko). ito yung naramdaman ko kagabi at nararamdaman ko pa rin sya hanggang ngayon. minsan naisip ko, tama si jas eh. masyado ko nga sigurong nabuhos yung oras at effort ko sa ibang tao. yung tipong medyo nakalimutan ko rin yung sarili ko. kaya siguro ganito yung feeling ko ngayon. hindi naman masamang ma-burn-out devah!naalala ko tuloy sinabi saken ni jas kagabi, 'nakakainis ka nga eh, lahat ng gusto namin maexprience ni anne nasa'yo na!'. kasi pinag-uusapan namin na dapat sa mga pagkakataon na'to magka-bowa na silang dalawa ni anne. minsan nga, parang gusto ko na lang makipagpalit sa kanila.joke! tas sabi ko kay jas 'kung pede ko nga lang ibigay senyo, bibigay ko eh.hehe'. syempre tawa lang din sagot saken ni jas.
lahat na yata ng pedeng ika-burn-out sa relt naramdaman ko na.nakakalungkot..gusto kong maramdaman kiligin ulit, yung kilig na hindi mo expected sa isang tao. kilig na kahit panandalian, kahit minuto lang ang itagal pero napapangiti ka pag naiisip mo. yung kilig na galing sa isang tao, na kahit hindi kayo magkakilala naging part sya ng happiness mo. na kahit sobrang kilala nyo na yung isa't isa you're not obliged to do this and that to make him happy. parang kasi minsan ginagawa mo yung isang bagay dahil responsibilidad mo na at nakasanayan mo ng gawin at pag nakalimutan mo eh parang nagbago ka na agad. nakakapagod yun devah! yung feeling na pag kahit sobrang tagal kayong di magkita at kahit pa once in a blue moon pa kayo magka-communicate pero pag nagkita at nag-usap kayo ulit marami na kayong pedeng pag-usapan at kwento tas nandun pa rin yung feeling nyo sa isat isa. devah kilig din yun. iba kasi yung feeling ng pagka-miss nun. hindi ko alam kung hanggang kelan ko mararamdaman 'to. siguro mamaya, bukas, sa isang bukas o sa isang taon, hindi ko alam. pero sana maintindihan ko ang sarili ko at sana maintindihan din ako ng ibang tao. at kung sino man ang nagbabasa nito..
petiks muna tayo..
"when you are blessed enough to love, it will change you in so many ways you can never be the same again. love means different things to different people, different things at different times. like everything, it changes. it waxes and wanes like the moon."--youngblood

Wednesday, December 22, 2004

red shoes ni lorns..




fave ko 'tong red shoes na'to. may nagpost nga ng message sa friendster ko (one of my long lost friend in high school pero nasa ibang country na sya ngayon). sabi nya gusto daw nya yung red shoes na'to. natuwa nga ako eh =)

actually, hindi naman talga 'to yung gusto kong bilin na red shoes. may nakita kasi kami ni bestest jas na red shoes sa SM North, nung time na yun gustung-gusto ko na syang bilhin dahil CB ako, pero syempre pinigilan ako ng oso. wala akong nagawa kundi titigan na lang sya habang papalayo kami. sabi kasi ni jas may iba pang chance. pero para talaga akong bata nung panahon na yun kasi sobrang kinukulit ko na si jas. hayyy, red shoes come!come!come! hehehe..

ayun hindi ko parin sya nabili, sale pa naman nun! pero ayaw ng pagkakataon. tas nung naligaw naman kami ni bestest jas sa Isetann sa Recto, nakita namin yung red shoes na'to. pero dahil makulit ako, lahat na yata ng red shoes sa gibi eh sinukat ko na. eh meron din dun kapareho nung nakita namin sa SM kaya sinukat ko sila pareho. hindi ko talaga tinantanan yung sales lady hanggat hindi sya nakakakuha ng size ko. (wag na pong alamin ang size ng paa ko. obviously, maliit!) eh medyo tamad yung sales lady, sabi nya wala na daw pero feeling ko talaga meron pa. kaya nagtanong na lang ako dun sa isang sales lady. eh di ayos! nakakuha ng size ko! pero dahil maliit yung paa ko, kahit ilang beses kong sinukat yung unang nagustuhan ko eh hindi lumiit yung size (magpilit ba!). kasi halatang pambata yung shoes na'to. partida may butterfly yan!uso?hehe. pero dahil gusto ko talaga ng red shoes hindi na ko nagpapigil. kinarir ko na talaga sya! at eto pa, tinanong ko sa sales lady kung pang anong age yung size na 'to, eto sagot nya "Pang-ten-years-old po Mam" hahaha!natawa na lang ako eh.hihi.. eto pa mas malupit dyan. 200 pesosesosesss lang ang bili ko dito! oh devah! tipid ako, hihi! asteg!


wag na wag mong sasabihin..



29.11.04.bestest jas's habedey.penguin cafe
paborito ko ngayon yung kantang 'to. hindi ko alam kung baket pero aliw talga ako. lagi ko 'tong kinakanta lalo na pag nasa cr ako, hehe..


'wag na 'wag mong mong sasabihin
kitchie nadal


may gusto ka bang sabihin?
ba't di mapakali
ni hindi makatingin
sana'y wag mo na'tong palipasin
at subukang lutasin sa mga sinabi mo na
ibang nararapat sa akin
na tunay kong mamahalin
ohhh
'wag na 'wag mong sasabihin
na hindi mo nadama itong
pag-ibig kong handang ibigay
kahit pa kalayaan mo..
ano man ang iyong inaakala
na ako'y isang bituwin
na walang sasambahin
di mo man ito ipakita
abot-langit ang daing
sa mga sinabi mo na
ibang nararapat sakin
na tunay kong mamahalin
'wag na 'wag mong sasabihin
na hindi mo nadama itong
pag-ibig kong handang ibigay
kahit pa kalayaan mo..
at sa gabi
sinong duduyan sa'yo
at sa umaga,
ang hangin ang hahaplos sa'yo
hindi ko alam kung tama yung lyrics, pero deadma na..hehe.
aliw talga ako dito..


muni-munini..



piktyur namin 'to nung fete, 19.06.04.
daming memories dito kahit inulan yung event. kahit saan kami magpunta, hindi kami nawawalan ng pic na tatlo. para laging may souvenir. pero si bestest jas yata yung may pinakamaraming copy ng pics. parang sa kanya lang napunpunta lahat, hehehe..

hayy.. sobrang miss ko na talaga kayo!

maya magkikita na kami ni bestestjas at bukas pa kami makukumpleto dahil bukas pa pede si annebeibe. pero ayos lang basta magkasama kami before Christmas. hehe..

  • while im doing this, tinawagan ako ng peborit kong cousin, si mareng nes. hihi.. napasaya mo ako sis, kahit na walang masyadong chika. salamat..

Tuesday, December 21, 2004

steady lang sana..

ilang tulog na lang, ilang gabi at araw na lang pasko na. dapat sa mga ganitong pagkakataon medyo masaya ka, may peace of mind kahit pano. pero hindi ganun yung pinaparamdam sa'yo ng universe ngayon. minsan may mga bagay na akala mo tapos na pero hindi pa pala. sometimes, you try to smile with other people even if you're heart is crying. matatapos narin ang taon pero parang wala paring nagbabago. ayaw mong aminin na may tensyon sa bahay nyo at hindi ganun kaganda yung mga nangyayari. minsan gusto mo na lang deadmahin pero apektado ka parin. kahit ayaw mo na talagang makialam pero hindi mo magawa dahil pamilya mo sila. and if only you can do something to help them.. pero parang at malamang hindi ka naman makakatulong. baket ba kasi iba pag nag-trip ang universe, kahit magpilit kang kayanin mas lalo pang bibigat. nakakaloka! nakakaloka yung feeling na pag matutulog ka na sa gabi halos ikutin mo na yung buong kama mo kakaikot dahil hindi ka makatulog at kung makatulog ka man kusa kang magigising sa madaling araw kahit na hindi mo imulat yung mga mata mo gising na gising naman ang isip mo. sa paggising mo naman sa umaga, gusto mong gumaan ang feeling mo at simulan ang araw mo ng simple pero kahit anong gawin mo komplikado parin. at kahit nagtatrabaho ka na, naiisip mo parin yung mga problema. kahit iwasan mo, kahit pilitin mong iwan kung saan nandyan parin. sa gantong pagkakataon, parang gusto mo na lang lumayo, mawala kahit sandali tas pag balik mo alam mo na yung sagot.hayyy... this coming christmas, i dont know if God will allow me to be happy, if He'll still bless me and my family. kung madali lang sanang solusyunan yung problema sana nagawa ko na pero hindi eh..
pag bata ka, masaya ka na pag may natanggap kang gifts mula sa ninong at ninang mo, family, friends mo. pero pag tumatanda ka na hindi mo na hahanapin yun mga yun. mas gusto mo ng ikaw na lang yung magbigay kesa sa ikaw yung bigyan. kung magagawa ko yun, magiging masaya na ko nun.
sana maayos na yung problema ng family ko.. at kung pagtripan man ako ng universe, sana ibang tuwa na yung paramdam nya saken..

Friday, December 17, 2004

luna..

"ilang araw na kita di nakikita. huling nakita kita habedey pa ni bestestjas. pero nagpapapansin ka na ulet. tatlong gabi ka ng maganda at mas maganda ka kagabi, nakangiti ka pa dahil alam mong pinagmamasdan kita at tumatalon ang puso ko sa tuwa. salamat sa pagpapapansin mo..lagi kitang mahal..aking buwan."

Wednesday, December 15, 2004

wish ko lang..

ilang tulog na lang habedey na ni jesus..

at ilang tulog na lang din matatapos na ang taon. ano na kaya ang naghihintay sa 'ken sa 2005? hayyy.. sana.............

nung high school ako gustung-gusto kong binubuo yung simbang gabi pero ngayon hindi ko na sya nabubuo, hanggang first and last day lang ako the rest sa kama na ako nagsisimba, hehehe...

actually, mahilig akong mag-wish lalo na pag first time namin nila jas at anne makapunta sa isang lugar, o kaya first experience. kahit nga sa riles ng tren nagwiwish kami eh, basta nakahawak sa blue na bagay pede ka daw mag-wish. pati yun pinapatulan naming tatlo. ayos devah!

wish ko...



  • sana magka-bonus ako bago magpasko para makabili ako ng gift para sa mga bebe's ko(inaanak). ewan ko ba, hindi naman ako nanganganak pero dumadami sila.(hihi), para sa family ko, kahit na may ka-hassle-an sa haus ngayon at kahit na laging may tensyon. syempre para sa dalawa kong kapatid na oso jasbeibe at annebeibe.
  • sana magkaroon na ako ng peace of mind kahit konti lang. hirap kasi akong makatulog sa gabi. pagod na nga akong mag-isip eh, kahit ayoko na ayaw parin akong tantanan. alam ko mahirap talagang hanapin yun, pero kahit konti lang ayos na yun.
  • sana by next year, iba na yung takbo ng buhay ko. sana maging maayos na. sana ibang karir naman, yung tipong kahit ika-burn-out ko eh hindi ko sya iiwanan dahil gusto ko yung ginagawa ko.
  • sana magkaroon kami ng chance ng mga kapatid kong oso na gawin na yung mga bagay na binuo namin nung college days. (mehn sobrang miss ko na lahat ng dreams natin!)
  • sana hindi na ako masyadong pag-tripan ng universe para mabawasan naman kahit konti yung pagka-adik ko.
  • sana mag-matured nako to the highest level!
  • material things: fone na may cam, digicam, SLR, o kahit na anong cam basta cam.(huhu). para ma-experience ko na ulet mag-take ng pics.
  • i know at my age eh wala na kong chance tumangkad pa. at alam ko rin sa lahat ng wish ko yun yung pinaka-impossible! gusto kong maging model, yan lage kong sinasabi pero 5'2 lang ang height ko! gusto ko talga ma-experience rumampa, magkaroon ng billboard along edsa basta wala lang aakyat dun at magtatangkang tumalon! kahit children's wear or teen's pwede siguro ako, papatulan ko na rin yun(haha!ganun ako ka-depresada!) tutal, madalas naman akong bumili ng damit at sapatos sa pambata eh(hihi). pero dahil mahal ako nila jas at anne, ako ginagawa nilang model pag kelangan ng may magpo-pose, pag piktyuran tym na, pag wala na silang choice kundi ako.hehe. sabi ko nga kay annebeibe piktyuran nya ako ng nakahubad pero nakatalikod (seryoso yun) pero wala pang chance eh. kelan ba anne?
  • sana makapunta ako sa lugar na hindi ko pa napupuntahan kasama sila jas at anne. syempre, akyat muna ng baguio bago pa pumunta kung saan!come!come!come!
  • gusto ko sana i-wish na magkaroon ako ng maraming maraming anda, pero parang ayoko ko kasi hindi masyadong masaya kapag puro material na lang, pero sana kahit konti magkapera parin ako.hehehe.
  • sana lahat ng nangyaring kaadikan saken ngayong taon na'to eh hindi maulet. kung maulet man sana yung happy happy na lang. sana maayos na lahat ng problema ko dahil pagod na rin ako.
  • sana magkaroon na ng work si bestest jas, dahil buong taon na syang naghahanap ng trabaho pero ayaw ng pagkakataon. sana matanggap na sya dun sa last na in-applayan nya sa Ateneo. kahit na alam kong pede syang malayo samen, wish ko narin yun. lam ko gusto nya talga gawin yun. kaya gurl go!go!go!
  • at para kay annebeibe naman, alam ko burnedout na sya ngayon sa work nya kaya kung umalis man sya dun sana makahanap sya ng trabaho na gusto nya. kung ok lang i-wish: sana magka-bowa na silang dalawa ni jasbeibe dahil tumatanda na sila at talgang kelangan na nila ma-experience yun! hehehe.
  • higit sa lahat love and peace!

wish ko lang....



Monday, December 13, 2004

lunes ba ngayon?

lunes nga ba ngayon? parang hindi eh..kung lunes dapat masigla ang araw mo. dapat busy ka. dapat sa mga oras na'to nahahagard ka na. dapat hindi ka na magkandaugaga sa ginagawa mo. dapat may kausap ka. dapat may silbi ka ngayong araw na'to...pero wala...

mainit ang sikat ng araw. parang andaming nangyayari sa labas. parang busy ang buong mundo pero hindi ka kasali. gusto mong makialam pero hindi ka mapansin. nakakatamad ang araw na'to. kahit isip mo parang ayaw na ring mag-isip. matulog ka na lang kaya? baka magkaroon ka pa ng sense.hehehe.

lunes nga ba ngayon? pero baket wala kang kalaro?
sana bukas iba naman, hindi na ganito...

Saturday, December 11, 2004

peace of mind

usapan ng dalawang adik... (hindi literal na adik.adik sa pag-ibig)

adik1: "im trying to find some peace of mind"

adik2: "nahanap mo na ba?"

adik1: "hindi pa.hindi ako nakatulog the whole night. hindi ko alam kung baket. alam mo yung feeling na kahit ayaw mo ng mag-isip umaandar parin yung utak mo."

adik2: "mahirap talagang hanapin yun. hindi mo ba alam ako yung "peace of mind" mo. pag nandito ka wala kang ibang iniisip.... (06.12.04)

totoong conversation itu! nung narinig ko to, kinilabutan ako. maybe he's right. he's the only person na sobrang kilala ako(bukod kay anne at jas ah!). mula sa pag-kaisip bata, pagka-adik, at sa pagiging lorns ko. yun yung huling salitang narinig ko sa kanya. kung kelan ulet, hindi ko na alam.

"ikaw na peace of mind ko, salamat kahit hindi na tayo magusap at magkita at least kahit pano nakita ko sa'yo yung peace of mind na sinasabi ko... alam ko ikaw lang ang makakaintindi sa sinasabi ko.."

kulay...

kulay.

nung wednesday natripan kong magpa-highlights ng buhok dahil naiingit ako dun sa pinsan ko,divine... halo yung kulay ng highlights nya tas ang nakakatuwa dun may halong red yung kulay. aliw devah!tas nung nagku-kwentuhan kami, hindi ko sya tinantanan kasi naaliw talga ko.pero nung nalaman ko kung magkano at kung saan sya nagpahighlights bigla akong nanghina dahil "syala" ang presyo ate!kakatiting lang yung buhok nya tas libo na agad!eh pano pa kaya yung buhok ko!lagpas balikat!huhuhu...parang nawalan ako ng gana.pero ayoko talga syang tantanan kasi feeling ko bagay talga saken yun.(kutob mo jas-oso?)hehe...

kahapon.

dahil wala akong mapupuntahan after work dahil nasa bataan si bestest jas at malamang tulog pa si annebeibe sa mga oras na yun. na-tripan kong pumunta sa salon at magtry kung keri ko mag-pahighlights.keber!gusto ko talga maging pula yung buhok ko.pero depende kung gusto ng pagkakataon.

tas nung nasa salon na ako, chinika chika ko yung mga pips dun para hindi nila okrayin yung buhok ko.kelangan ng charm!hehe.pero dahil mahaba nga yung buhok ko kaya medyo may pagka-high-maintenance.nag-pahighlights parin ako pero walang red yung typical na higlights lang. dahil first time kong magpa-ganun hindi ko alam kung anong kakalabasan at kung magiging bagay nga ba saken.hindi ko kasi ma-imagine.tas natatawa at nahihiya ako dun sa itsura ko kasi diba pag hinahiglights yung buhok mo may ilalagay sa buhok mo yung plastic na may butas tas susungkutin yung buhok mo para yun lang yung part na makukulayan(hindi ko alam tawag dun eh!) anliit kasi ng ulo ko, masyadong malaki yung material para sa ulo ko.kaya hinahawakan lang nung badingersi, siguro 15mins. syang nagsususungkit ng buhok ko.(habang ako,petiks lang.hehe.gusto ko na ngang matulog eh,pero mukha akong alien nung mga oras na yun) tas pagkatapos nyang pahiran ng color yung buhok ko, binalot nya nung plastic(di ko ulet alam yung tawag eh!) tas tinapat nya dun sa malaking bilog na umuusok pag maiinit na.micropor yata tawag dun eh,kasi yun yung nabasa ko. aliw nga ako eh!kasi umuusok na sya tas parang any moment eh pedeng masunog yung buhok ko.hehe.(exagg!) konting minuto pa tas shinampoo na ulet yung buhok ko. after i-shampoo pag balik ko dun sa place ko dahil iblo-blow-dry na, halos lahat yata nung badingersi at tao dun eh pinagtitinginan ako. hindi ko alam kung baket.hindi ko alam kung fanget ba yung kinalabasan, kung exagg ba, kung mukha ba akong galing japan, o parang wala lang. hindi pa ako nakaharap sa salamin nun kaya kinabahan ako. tas yung isang badingers lumapit saken tas sabi nya iha-half-dry daw nya muna. sabi nya "Mam, highlights kung highlights!maganda yung pagka-highlights. dagdag ganda points" hindi ko alam kung compliment ba yun o bola lang.hehe. tas habang bino-blower nya tinanong nya kung maganda daw yung pag-ka-highlights nya sabi ko maganda. infairness natuwa talga ako.(pero hindi ko alam kung magugustuhan ni jasbeibe at annebeibe.sana). tas nung nagbabayad na ako sa counter hindi ako tinantanan nung badinger at binigyan ako ng salamin para makita ko kung ano yung istura nung buhok ko"Mam, tingnan nyo yung likod maganda diba!". parang mas natuwa pa sya kesa saken. nung nakita ko yung buhok ko sa salamin, parang gusto kong sumayaw at kumanta ng "walang sabit" at "sumusunod sa galaw mo, sumusunod" kahit na may kakornihan, at least sa mga oras lang na yun...hehe..

naisip ko tuloy, minsan nagiging isa ako sa mga girlalou na pag nadedepressed pina-pampered nila yung sarili nila(haircut,hair-dye,manicure,facial) para medyo mabawasan yung bigat na nararamdaman nila.minsan ginagawa ko to pag malungkot ako. at nakakatulong naman talga saken, ewan ko sa iba...

pero sa susunod talga pag gusto na ng pagkakataon, magpapakulay talga ako ng "red". naisip ko nga rin, kung hanggang ngayon maigsi parin yung buhok ko tulad dati. as in parang papunta na sa skin head pero may buhok pa kahit pano. magpapakulay ako ng "green" pero hindi ko muna yata magagawa ngayon dahil sa haba ng buhok ko ngayon parang nakakapanghinayang ipaputol siguro pag nagka-bebe na lang ako magpapaganun ng buhok.baket? wala lang naisip ko lang...(sana hindi ako warlahin nun magiging asawa ko pag nagkataon.hehe...)




kapatid na oso...

oso, salamat sa paggawa ng blog ko...na-touched ako!eto kinakarir ko na ang pagpopost.hehe.oist!mis ko na kayo ni bestest anne!

pilar...

"if pain must come, may it come quickly. because i have a life to live, and i need to live it in the best way possible.if he has to make a choice , may he make it now. then i will either wait for him or forget him. waiting is painful. forgetting is painful. but not knowing which to do is the worst kind of suffering."----Pilar (07.12.04)

by the river piedra i sat down and wept

guy: "it's risky, falling in love"

girl: "i know that.i've been in love before.it's like narcotic. at first it brings the euphoria of complete surrender. the next day, you want more. you're not addicted yet, but you like the sensation, and you think you can still control things. you think about the person you love for two minutes, and forget them for three hours.

"but then you get used to that person, and you begin to be completely dependent on them. now you think about him for three hours and forget him for two minutes. if he's not there, you feel like an addict who can't get a fix. and just as addicts steal and humiliate themselves to get what they need, you're willing to do anything for love."

guy: "what a horrible to put it"

girl: "so we should love only those who can stay near us."

---by the river piedra i sat down and wept; paulo coelho

nung nabasa ko 'to.naalala ko yung nagawa kong quote last february.

"ang pag-ibig parang drugs.nakakaadik.once, na natikman mo hahanap-hanapin mo.pero sa huli kailangan mong mag-parehab para makalimot"

adik nga ako.....(03.12.04)

playing a role

by the river piedra i sat down and wept...

"some people always have to be doing battle with someone, sometimes even with themselves,battling with their own lives. so they begin to create a kind of play in their head, and they write the script based on their frustrations."

kanina habang nasa fx/jeep ako andami kong naiisip.sana sa mga oras na yun nakaharap ako sa pc o may hawak akong ballpen at papel para hindi ko makalimutan yung mga naiisip ko.kahit na sa sobrang dami eh hindi ko alam kung ano ang uunahin.

nung nasa jeep ako,nakaupo ako sa may estribo.minsan kung kelan ka nagmamadali tsaka ka mahahassle,dahil sa sobrang tagal umalis ng jeep at talga palang pupunuin nya yung sobrang haba ng jeep na yun.wala akong ginawa kundi pansinin ang mga tao at punahin yung mga ginagawa nila at kausapin ang sarili ko.may isang bata dun tas hindi ko alam anak pala sya nung barker.tas pinapanuod ko sya kasi aliw sya dun sa may side ng jeep dahil nakikita nya yung sarili nya tas kung anu ano yung ginagawa nya tas ituturo nya sa tay nya yung itsura nya tas ngingiti.parang manghang-mangha sya sa nakikita nya.tas nangingiti lang ako.naisip ko tuloy,masarap at masaya maging bata.hindi kumplikado yung buhay.pag nagutom ka,papakainin ka,pag inantok ka matutulog ka lang at pag gising mo kakain ka na lang at maglalaro.

tas meron pang mag-ama na sumakay. tas may katabi silang mag-ina.tas sabi nun tatay dun sa anak nyang babae "kausapin mo sya,kantahan mo sya ng three little chicken" tas sbi nun bata "hindi, three little kitten!" tas sabi nun tay "ahh!".tas inulit ulit nung tay "cge na dali irecite mo yung three little chicken para pag lumaki sya maalala ka nya" tas sabi ulet nung bata "hindi nga little chicken, three little kitten.ang kulit mo naman eh.lagi mo na lang kinakalimutan" tas napangiti na lang yung tay nya(kulet naman kasi ni tay eh!).tas yung beibe ngumingiti dun sa batang babae.tas napangiti din ako.tas habang umaandar yung jeep recite ng recite yung bata.tas ako nakikinig lang...(sarap sa tenga)

minsan pag sobra ng nakakapagod ang mundo masarap muling maging bata. gawin yung mga mababaw na bagay na alam mong kahit mababaw makakapagpasaya sayo.

kanina andami kong gustong sabihin. pag marami kang nararamdaman at naiisip gusto mong i-share sa ibang tao.pero madalas sa mga oras na yun wala kang kasama.kaya gumagawa ka na lang ng usap/script sa isip mo.kasi minsan kahit i-share mo sa ibang tao hindi na ganun ka-intense yung feeling mo.kumbaga wala ng dating kung ikukwento mo pa dahil tapos na,nangyari na.... (03.12.04)

Friday, December 10, 2004

heartburn

naha-heartburn ako ngayong araw na'to.nakakalunod yung mga nangyayari.nakakalungkot.halos wala ng paglagyan... ; (
--- (03.12.04)

Thursday, December 09, 2004

testing.

testing testing.