down season ang meri xmas ni lurns..
pasko. dapat steady lang ako. pero eto lang ang mga vicarious thrill na nakapagpangiti saken:
- tinawagan ako ni p.i syempre para ma-greet lang ako ng merri krismas, kahit na-olats pa yung ketay nya. at parang humanap pa talaga sya ng landline makatawag lang. :)
- tinext ako ni mareng aaron. alam ko malungkot din sya nun. :)
- masaya si bestestjas dahil tinext sya ni goldfish ng mga katagang "i bliv u". kaya sa'yo buwan, salamat! :)
- text ni annebeibe: "pinilit kong maging hapi. spent chrsmas eve at work. mejo biruan ng konti w my crush, he stood beside me! tok 2 ret ovr d fone :) kelan kya ako magkakaron ng ril bf?".. syencia na anne kung pinost ko dito yung text mo saken. natawa lang kasi ako sa tanong mo. at kahit vicarious lang yan, masaya ako para sayo. :) handa ka na ba?
- "meri xmas man" text ni fafajeff. na occasionally at once in a blue moon lang ako maalala. actually, expected ko na rin na tetext nya ako dahil hindi naman nya nakakalimutan i-greet ako every year kahit wala syang ketay :) salamat 'tol!
- si luna na maganda at maliwanag nung gabing yun. :)
- ang pinaka-steady na ginawa ko: humiga sa duyan. tumingin sa langit. masdan ang mga dahong nalalaglag. damahin ang malakas at malamig na hangin. at kausapin si lurns. :)
Ang lungkot ay walang imik na dalangin. - Rio Alma
forwarded ni jasbeibe nung pasko. hiramin ko muna ha! hindi ko lam kung baket sobrang malungkot ako these past few days. yung feeling na parang punung-puno ng sakit at sama ng loob yung puso mo. yung feeling na anbilis ng tibok ng puso mo. na kulang na lang eh sumabog. at kahit ayaw mong maramdaman hindi mo mapigilan. na kahit anong gawin mo bigla na lang tutulo yung luha mo kahit na pabalikin mo sya sa mga mata mo. eto na nga yata yung panahon na nalungkot ako ng sobra. siguro dahil patapos na ang taon. ngayon ko nararamdaman lahat ng sakit na nangyari saken ngayong taon na'to. dahil sa mga 'yon nahihirapan akong humanap ng reason para sumaya. lam ko, nagiging unfair ako sa mga taong gustong maging masaya ako. pero mabuti na rin siguro na maramdaman ko yung sobrang lungkot na'to para mahanap ko yung rason kung pano ako magiging masaya. hindi man ngayon, pero darating din yun. kahapon, may isang bagay na nawala saken. hindi ko alam kung mahahanap ko pa o hindi na.. :(


1 Comments:
that is the most beautiful moon picture i've ever seen. tunay ba yan? tangina lupet.
btw, may sasabihin ako sayo nabasa ko 'to sa novel ni lualhati bautista sabi nya sa 'bata, bata...'"Hindi mo mae-expect na maging masaya ka palagi kase unfair yun. Yung iba nga dyan hindi man lang naging masaya kahit minsan sa buhay nila, kaya ayus lang na hindi ka parating masaya para naman pag malungkot ka masabi mo sa sarili mo na at least minsan sumaya rin ako."ayus? sana nakatulong.
haymishu and annebeibe.
huggalets.
Post a Comment
<< Home