kulay...
kulay.
nung wednesday natripan kong magpa-highlights ng buhok dahil naiingit ako dun sa pinsan ko,divine... halo yung kulay ng highlights nya tas ang nakakatuwa dun may halong red yung kulay. aliw devah!tas nung nagku-kwentuhan kami, hindi ko sya tinantanan kasi naaliw talga ko.pero nung nalaman ko kung magkano at kung saan sya nagpahighlights bigla akong nanghina dahil "syala" ang presyo ate!kakatiting lang yung buhok nya tas libo na agad!eh pano pa kaya yung buhok ko!lagpas balikat!huhuhu...parang nawalan ako ng gana.pero ayoko talga syang tantanan kasi feeling ko bagay talga saken yun.(kutob mo jas-oso?)hehe...
kahapon.
dahil wala akong mapupuntahan after work dahil nasa bataan si bestest jas at malamang tulog pa si annebeibe sa mga oras na yun. na-tripan kong pumunta sa salon at magtry kung keri ko mag-pahighlights.keber!gusto ko talga maging pula yung buhok ko.pero depende kung gusto ng pagkakataon.
tas nung nasa salon na ako, chinika chika ko yung mga pips dun para hindi nila okrayin yung buhok ko.kelangan ng charm!hehe.pero dahil mahaba nga yung buhok ko kaya medyo may pagka-high-maintenance.nag-pahighlights parin ako pero walang red yung typical na higlights lang. dahil first time kong magpa-ganun hindi ko alam kung anong kakalabasan at kung magiging bagay nga ba saken.hindi ko kasi ma-imagine.tas natatawa at nahihiya ako dun sa itsura ko kasi diba pag hinahiglights yung buhok mo may ilalagay sa buhok mo yung plastic na may butas tas susungkutin yung buhok mo para yun lang yung part na makukulayan(hindi ko alam tawag dun eh!) anliit kasi ng ulo ko, masyadong malaki yung material para sa ulo ko.kaya hinahawakan lang nung badingersi, siguro 15mins. syang nagsususungkit ng buhok ko.(habang ako,petiks lang.hehe.gusto ko na ngang matulog eh,pero mukha akong alien nung mga oras na yun) tas pagkatapos nyang pahiran ng color yung buhok ko, binalot nya nung plastic(di ko ulet alam yung tawag eh!) tas tinapat nya dun sa malaking bilog na umuusok pag maiinit na.micropor yata tawag dun eh,kasi yun yung nabasa ko. aliw nga ako eh!kasi umuusok na sya tas parang any moment eh pedeng masunog yung buhok ko.hehe.(exagg!) konting minuto pa tas shinampoo na ulet yung buhok ko. after i-shampoo pag balik ko dun sa place ko dahil iblo-blow-dry na, halos lahat yata nung badingersi at tao dun eh pinagtitinginan ako. hindi ko alam kung baket.hindi ko alam kung fanget ba yung kinalabasan, kung exagg ba, kung mukha ba akong galing japan, o parang wala lang. hindi pa ako nakaharap sa salamin nun kaya kinabahan ako. tas yung isang badingers lumapit saken tas sabi nya iha-half-dry daw nya muna. sabi nya "Mam, highlights kung highlights!maganda yung pagka-highlights. dagdag ganda points" hindi ko alam kung compliment ba yun o bola lang.hehe. tas habang bino-blower nya tinanong nya kung maganda daw yung pag-ka-highlights nya sabi ko maganda. infairness natuwa talga ako.(pero hindi ko alam kung magugustuhan ni jasbeibe at annebeibe.sana). tas nung nagbabayad na ako sa counter hindi ako tinantanan nung badinger at binigyan ako ng salamin para makita ko kung ano yung istura nung buhok ko"Mam, tingnan nyo yung likod maganda diba!". parang mas natuwa pa sya kesa saken. nung nakita ko yung buhok ko sa salamin, parang gusto kong sumayaw at kumanta ng "walang sabit" at "sumusunod sa galaw mo, sumusunod" kahit na may kakornihan, at least sa mga oras lang na yun...hehe..
naisip ko tuloy, minsan nagiging isa ako sa mga girlalou na pag nadedepressed pina-pampered nila yung sarili nila(haircut,hair-dye,manicure,facial) para medyo mabawasan yung bigat na nararamdaman nila.minsan ginagawa ko to pag malungkot ako. at nakakatulong naman talga saken, ewan ko sa iba...
pero sa susunod talga pag gusto na ng pagkakataon, magpapakulay talga ako ng "red". naisip ko nga rin, kung hanggang ngayon maigsi parin yung buhok ko tulad dati. as in parang papunta na sa skin head pero may buhok pa kahit pano. magpapakulay ako ng "green" pero hindi ko muna yata magagawa ngayon dahil sa haba ng buhok ko ngayon parang nakakapanghinayang ipaputol siguro pag nagka-bebe na lang ako magpapaganun ng buhok.baket? wala lang naisip ko lang...(sana hindi ako warlahin nun magiging asawa ko pag nagkataon.hehe...)


1 Comments:
hooh! dati inookray mo ang mga nagha-highlights, tingnan natin sayo! yari ka samen pag mukha kang manok na panabong! di kita lulubayan ng pang-aasar! muwahahahaha!
evil.
Post a Comment
<< Home