playing a role
by the river piedra i sat down and wept...
"some people always have to be doing battle with someone, sometimes even with themselves,battling with their own lives. so they begin to create a kind of play in their head, and they write the script based on their frustrations."
kanina habang nasa fx/jeep ako andami kong naiisip.sana sa mga oras na yun nakaharap ako sa pc o may hawak akong ballpen at papel para hindi ko makalimutan yung mga naiisip ko.kahit na sa sobrang dami eh hindi ko alam kung ano ang uunahin.
nung nasa jeep ako,nakaupo ako sa may estribo.minsan kung kelan ka nagmamadali tsaka ka mahahassle,dahil sa sobrang tagal umalis ng jeep at talga palang pupunuin nya yung sobrang haba ng jeep na yun.wala akong ginawa kundi pansinin ang mga tao at punahin yung mga ginagawa nila at kausapin ang sarili ko.may isang bata dun tas hindi ko alam anak pala sya nung barker.tas pinapanuod ko sya kasi aliw sya dun sa may side ng jeep dahil nakikita nya yung sarili nya tas kung anu ano yung ginagawa nya tas ituturo nya sa tay nya yung itsura nya tas ngingiti.parang manghang-mangha sya sa nakikita nya.tas nangingiti lang ako.naisip ko tuloy,masarap at masaya maging bata.hindi kumplikado yung buhay.pag nagutom ka,papakainin ka,pag inantok ka matutulog ka lang at pag gising mo kakain ka na lang at maglalaro.
tas meron pang mag-ama na sumakay. tas may katabi silang mag-ina.tas sabi nun tatay dun sa anak nyang babae "kausapin mo sya,kantahan mo sya ng three little chicken" tas sbi nun bata "hindi, three little kitten!" tas sabi nun tay "ahh!".tas inulit ulit nung tay "cge na dali irecite mo yung three little chicken para pag lumaki sya maalala ka nya" tas sabi ulet nung bata "hindi nga little chicken, three little kitten.ang kulit mo naman eh.lagi mo na lang kinakalimutan" tas napangiti na lang yung tay nya(kulet naman kasi ni tay eh!).tas yung beibe ngumingiti dun sa batang babae.tas napangiti din ako.tas habang umaandar yung jeep recite ng recite yung bata.tas ako nakikinig lang...(sarap sa tenga)
minsan pag sobra ng nakakapagod ang mundo masarap muling maging bata. gawin yung mga mababaw na bagay na alam mong kahit mababaw makakapagpasaya sayo.
kanina andami kong gustong sabihin. pag marami kang nararamdaman at naiisip gusto mong i-share sa ibang tao.pero madalas sa mga oras na yun wala kang kasama.kaya gumagawa ka na lang ng usap/script sa isip mo.kasi minsan kahit i-share mo sa ibang tao hindi na ganun ka-intense yung feeling mo.kumbaga wala ng dating kung ikukwento mo pa dahil tapos na,nangyari na.... (03.12.04)


0 Comments:
Post a Comment
<< Home