red shoes ni lorns..
fave ko 'tong red shoes na'to. may nagpost nga ng message sa friendster ko (one of my long lost friend in high school pero nasa ibang country na sya ngayon). sabi nya gusto daw nya yung red shoes na'to. natuwa nga ako eh =)
actually, hindi naman talga 'to yung gusto kong bilin na red shoes. may nakita kasi kami ni bestest jas na red shoes sa SM North, nung time na yun gustung-gusto ko na syang bilhin dahil CB ako, pero syempre pinigilan ako ng oso. wala akong nagawa kundi titigan na lang sya habang papalayo kami. sabi kasi ni jas may iba pang chance. pero para talaga akong bata nung panahon na yun kasi sobrang kinukulit ko na si jas. hayyy, red shoes come!come!come! hehehe..
ayun hindi ko parin sya nabili, sale pa naman nun! pero ayaw ng pagkakataon. tas nung naligaw naman kami ni bestest jas sa Isetann sa Recto, nakita namin yung red shoes na'to. pero dahil makulit ako, lahat na yata ng red shoes sa gibi eh sinukat ko na. eh meron din dun kapareho nung nakita namin sa SM kaya sinukat ko sila pareho. hindi ko talaga tinantanan yung sales lady hanggat hindi sya nakakakuha ng size ko. (wag na pong alamin ang size ng paa ko. obviously, maliit!) eh medyo tamad yung sales lady, sabi nya wala na daw pero feeling ko talaga meron pa. kaya nagtanong na lang ako dun sa isang sales lady. eh di ayos! nakakuha ng size ko! pero dahil maliit yung paa ko, kahit ilang beses kong sinukat yung unang nagustuhan ko eh hindi lumiit yung size (magpilit ba!). kasi halatang pambata yung shoes na'to. partida may butterfly yan!uso?hehe. pero dahil gusto ko talaga ng red shoes hindi na ko nagpapigil. kinarir ko na talaga sya! at eto pa, tinanong ko sa sales lady kung pang anong age yung size na 'to, eto sagot nya "Pang-ten-years-old po Mam" hahaha!natawa na lang ako eh.hihi.. eto pa mas malupit dyan. 200 pesosesosesss lang ang bili ko dito! oh devah! tipid ako, hihi! asteg!


0 Comments:
Post a Comment
<< Home