steady lang sana..
ilang tulog na lang, ilang gabi at araw na lang pasko na. dapat sa mga ganitong pagkakataon medyo masaya ka, may peace of mind kahit pano. pero hindi ganun yung pinaparamdam sa'yo ng universe ngayon. minsan may mga bagay na akala mo tapos na pero hindi pa pala. sometimes, you try to smile with other people even if you're heart is crying. matatapos narin ang taon pero parang wala paring nagbabago. ayaw mong aminin na may tensyon sa bahay nyo at hindi ganun kaganda yung mga nangyayari. minsan gusto mo na lang deadmahin pero apektado ka parin. kahit ayaw mo na talagang makialam pero hindi mo magawa dahil pamilya mo sila. and if only you can do something to help them.. pero parang at malamang hindi ka naman makakatulong. baket ba kasi iba pag nag-trip ang universe, kahit magpilit kang kayanin mas lalo pang bibigat. nakakaloka! nakakaloka yung feeling na pag matutulog ka na sa gabi halos ikutin mo na yung buong kama mo kakaikot dahil hindi ka makatulog at kung makatulog ka man kusa kang magigising sa madaling araw kahit na hindi mo imulat yung mga mata mo gising na gising naman ang isip mo. sa paggising mo naman sa umaga, gusto mong gumaan ang feeling mo at simulan ang araw mo ng simple pero kahit anong gawin mo komplikado parin. at kahit nagtatrabaho ka na, naiisip mo parin yung mga problema. kahit iwasan mo, kahit pilitin mong iwan kung saan nandyan parin. sa gantong pagkakataon, parang gusto mo na lang lumayo, mawala kahit sandali tas pag balik mo alam mo na yung sagot.hayyy... this coming christmas, i dont know if God will allow me to be happy, if He'll still bless me and my family. kung madali lang sanang solusyunan yung problema sana nagawa ko na pero hindi eh..
pag bata ka, masaya ka na pag may natanggap kang gifts mula sa ninong at ninang mo, family, friends mo. pero pag tumatanda ka na hindi mo na hahanapin yun mga yun. mas gusto mo ng ikaw na lang yung magbigay kesa sa ikaw yung bigyan. kung magagawa ko yun, magiging masaya na ko nun.
sana maayos na yung problema ng family ko.. at kung pagtripan man ako ng universe, sana ibang tuwa na yung paramdam nya saken..


1 Comments:
huggalets.
Post a Comment
<< Home