lunes ba ngayon?
lunes nga ba ngayon? parang hindi eh..kung lunes dapat masigla ang araw mo. dapat busy ka. dapat sa mga oras na'to nahahagard ka na. dapat hindi ka na magkandaugaga sa ginagawa mo. dapat may kausap ka. dapat may silbi ka ngayong araw na'to...pero wala...
mainit ang sikat ng araw. parang andaming nangyayari sa labas. parang busy ang buong mundo pero hindi ka kasali. gusto mong makialam pero hindi ka mapansin. nakakatamad ang araw na'to. kahit isip mo parang ayaw na ring mag-isip. matulog ka na lang kaya? baka magkaroon ka pa ng sense.hehehe.
lunes nga ba ngayon? pero baket wala kang kalaro?
sana bukas iba naman, hindi na ganito...


0 Comments:
Post a Comment
<< Home