moonchild

let the moon take you....

Wednesday, December 15, 2004

wish ko lang..

ilang tulog na lang habedey na ni jesus..

at ilang tulog na lang din matatapos na ang taon. ano na kaya ang naghihintay sa 'ken sa 2005? hayyy.. sana.............

nung high school ako gustung-gusto kong binubuo yung simbang gabi pero ngayon hindi ko na sya nabubuo, hanggang first and last day lang ako the rest sa kama na ako nagsisimba, hehehe...

actually, mahilig akong mag-wish lalo na pag first time namin nila jas at anne makapunta sa isang lugar, o kaya first experience. kahit nga sa riles ng tren nagwiwish kami eh, basta nakahawak sa blue na bagay pede ka daw mag-wish. pati yun pinapatulan naming tatlo. ayos devah!

wish ko...



  • sana magka-bonus ako bago magpasko para makabili ako ng gift para sa mga bebe's ko(inaanak). ewan ko ba, hindi naman ako nanganganak pero dumadami sila.(hihi), para sa family ko, kahit na may ka-hassle-an sa haus ngayon at kahit na laging may tensyon. syempre para sa dalawa kong kapatid na oso jasbeibe at annebeibe.
  • sana magkaroon na ako ng peace of mind kahit konti lang. hirap kasi akong makatulog sa gabi. pagod na nga akong mag-isip eh, kahit ayoko na ayaw parin akong tantanan. alam ko mahirap talagang hanapin yun, pero kahit konti lang ayos na yun.
  • sana by next year, iba na yung takbo ng buhay ko. sana maging maayos na. sana ibang karir naman, yung tipong kahit ika-burn-out ko eh hindi ko sya iiwanan dahil gusto ko yung ginagawa ko.
  • sana magkaroon kami ng chance ng mga kapatid kong oso na gawin na yung mga bagay na binuo namin nung college days. (mehn sobrang miss ko na lahat ng dreams natin!)
  • sana hindi na ako masyadong pag-tripan ng universe para mabawasan naman kahit konti yung pagka-adik ko.
  • sana mag-matured nako to the highest level!
  • material things: fone na may cam, digicam, SLR, o kahit na anong cam basta cam.(huhu). para ma-experience ko na ulet mag-take ng pics.
  • i know at my age eh wala na kong chance tumangkad pa. at alam ko rin sa lahat ng wish ko yun yung pinaka-impossible! gusto kong maging model, yan lage kong sinasabi pero 5'2 lang ang height ko! gusto ko talga ma-experience rumampa, magkaroon ng billboard along edsa basta wala lang aakyat dun at magtatangkang tumalon! kahit children's wear or teen's pwede siguro ako, papatulan ko na rin yun(haha!ganun ako ka-depresada!) tutal, madalas naman akong bumili ng damit at sapatos sa pambata eh(hihi). pero dahil mahal ako nila jas at anne, ako ginagawa nilang model pag kelangan ng may magpo-pose, pag piktyuran tym na, pag wala na silang choice kundi ako.hehe. sabi ko nga kay annebeibe piktyuran nya ako ng nakahubad pero nakatalikod (seryoso yun) pero wala pang chance eh. kelan ba anne?
  • sana makapunta ako sa lugar na hindi ko pa napupuntahan kasama sila jas at anne. syempre, akyat muna ng baguio bago pa pumunta kung saan!come!come!come!
  • gusto ko sana i-wish na magkaroon ako ng maraming maraming anda, pero parang ayoko ko kasi hindi masyadong masaya kapag puro material na lang, pero sana kahit konti magkapera parin ako.hehehe.
  • sana lahat ng nangyaring kaadikan saken ngayong taon na'to eh hindi maulet. kung maulet man sana yung happy happy na lang. sana maayos na lahat ng problema ko dahil pagod na rin ako.
  • sana magkaroon na ng work si bestest jas, dahil buong taon na syang naghahanap ng trabaho pero ayaw ng pagkakataon. sana matanggap na sya dun sa last na in-applayan nya sa Ateneo. kahit na alam kong pede syang malayo samen, wish ko narin yun. lam ko gusto nya talga gawin yun. kaya gurl go!go!go!
  • at para kay annebeibe naman, alam ko burnedout na sya ngayon sa work nya kaya kung umalis man sya dun sana makahanap sya ng trabaho na gusto nya. kung ok lang i-wish: sana magka-bowa na silang dalawa ni jasbeibe dahil tumatanda na sila at talgang kelangan na nila ma-experience yun! hehehe.
  • higit sa lahat love and peace!

wish ko lang....



2 Comments:

At 2:40 PM, Blogger straightnochaser said...

kapatid! salamat at kasama kami sa wishlist moh! sana magkaroon ng pagkakataon na tayo'y maging "malaya" makawala sa kalawakan, mawala sa sarili, baliw kung baliw! mahal kita!

 
At 8:12 PM, Blogger jas said...

andami namang wish na kasama kame ni annebeibe. pero shempre salamats. sana kahit yung part nalang na magkaron na talaga ako ng aking inaasam na super special job e magkatotoo.

yung boylet boyletan na yan...o well bilbel, siguro sa takdang panahon darating din yan. at sana sa 2005 na ang takdang panahon. o kaya mamaya pag sakay ko ng jeep, or bukas pag bili ko ng pandesal sa bakery, or next month pag natuloy na si dadi sa ifugao! wahoo wahoo! nararamdaman ko na oso makakaakyat na rin ako dun dahil si tatay ko ay dun ang bagong work! san ka pa, malapit na kay goldfish!

which brings me to your other wish, na sana makarating tayo sa mga gusto nating puntahan. baka eto na yon oso, sana next month makapagliwaliw na tayo up north at tayo'y maging ganap na baguio beans! yebah! game na game na 'ko! kemown!

at para sa lahat ng mga pinangarap natin dati, wag ka mag alala malapit na matupad yang mga yan.

kapet lang.

miss ko talaga kayo ni annebeibe lalo na kung krismas.

:)

 

Post a Comment

<< Home