moonchild

let the moon take you....

Thursday, December 23, 2004

sumakit ang puso ko..

kagabi natulog sa bahay si bestest jas dahil nagpakapuyat kaming gawin yung 'super special gift' namin para kay annebeibe. as in like, nagkakalutkot kami ni jas sa kwarto ko habang tulog na ang lahat sa paligid. aliw nga eh, first time namin ginawa ni jas yun buti walang masyadong kapalpakan. ayos yung kinalabasan. gusto kong sabihin yung super special gift kaso baka mabasa na ni anne to eh hindi pa kami nagkikita (pero dapat talagang magpakita na sya samen mamaya. dahil lam namin sobrang gusto nya yung gift.hihi.) ganyan ka namin kahaylabsyu oso!
ibang kwento naman:
alam ko kahapon medyo ayos naman ako. kahit pano steady naman. pero nung bandang gabi na parang wala na akong gusto pang maramdaman. hindi ko alam kung baket ngayon nagkakasabay-sabay ang mga sablay sa buhay ko. burned out na ako sa halos ng lahat ng bagay. burned out ako sa trabaho ko, sa problema sa bahay, pati sa kwento at kilig sa puso pagod na rin yata ako. kagabi, habang kinakarir namin ni jas yung gift namin kay anne iniisip ko yung mga bagay na'to. parang andami ko nang namiss gawin. yung mga bagay na hindi ko na naeexperience, mga bagay na hindi ko na nararamdaman ngayon di tulad nung panahon na hindi pa busy ang puso ko. yung mga bagay na mabababaw lang na nakakapagpasaya saken. mga bagay na nakakasakit saken pero wala akong kino-consider na may ibang masasaktan. na pag ginawa ko 'to, at may sinabi akong gan'to, hindi ko iisipin na may isang taong bukod saken eh masasaktan(wala po akong pinapatamaan, gusto ko lang pong sabihin yung nararamdaman at naiisip ko). ito yung naramdaman ko kagabi at nararamdaman ko pa rin sya hanggang ngayon. minsan naisip ko, tama si jas eh. masyado ko nga sigurong nabuhos yung oras at effort ko sa ibang tao. yung tipong medyo nakalimutan ko rin yung sarili ko. kaya siguro ganito yung feeling ko ngayon. hindi naman masamang ma-burn-out devah!naalala ko tuloy sinabi saken ni jas kagabi, 'nakakainis ka nga eh, lahat ng gusto namin maexprience ni anne nasa'yo na!'. kasi pinag-uusapan namin na dapat sa mga pagkakataon na'to magka-bowa na silang dalawa ni anne. minsan nga, parang gusto ko na lang makipagpalit sa kanila.joke! tas sabi ko kay jas 'kung pede ko nga lang ibigay senyo, bibigay ko eh.hehe'. syempre tawa lang din sagot saken ni jas.
lahat na yata ng pedeng ika-burn-out sa relt naramdaman ko na.nakakalungkot..gusto kong maramdaman kiligin ulit, yung kilig na hindi mo expected sa isang tao. kilig na kahit panandalian, kahit minuto lang ang itagal pero napapangiti ka pag naiisip mo. yung kilig na galing sa isang tao, na kahit hindi kayo magkakilala naging part sya ng happiness mo. na kahit sobrang kilala nyo na yung isa't isa you're not obliged to do this and that to make him happy. parang kasi minsan ginagawa mo yung isang bagay dahil responsibilidad mo na at nakasanayan mo ng gawin at pag nakalimutan mo eh parang nagbago ka na agad. nakakapagod yun devah! yung feeling na pag kahit sobrang tagal kayong di magkita at kahit pa once in a blue moon pa kayo magka-communicate pero pag nagkita at nag-usap kayo ulit marami na kayong pedeng pag-usapan at kwento tas nandun pa rin yung feeling nyo sa isat isa. devah kilig din yun. iba kasi yung feeling ng pagka-miss nun. hindi ko alam kung hanggang kelan ko mararamdaman 'to. siguro mamaya, bukas, sa isang bukas o sa isang taon, hindi ko alam. pero sana maintindihan ko ang sarili ko at sana maintindihan din ako ng ibang tao. at kung sino man ang nagbabasa nito..
petiks muna tayo..
"when you are blessed enough to love, it will change you in so many ways you can never be the same again. love means different things to different people, different things at different times. like everything, it changes. it waxes and wanes like the moon."--youngblood

0 Comments:

Post a Comment

<< Home