moonchild

let the moon take you....

Tuesday, May 15, 2007

minsan kahit gano ka magtrabaho ng maayos, kahit super magumeffort ka sa trabaho mo eh wala pa rin sa ibang tao. siguro kasi pakshet sila... bakit minsan kasi hindi na lang iwanan kung saan ang katangahan. habang ikaw nandito sa pinas at di magkandaugaga sa sunud sunod na trabaho mo kahit na mababa ang sinusweldo mo at habang ang mga tao sa 'tate' eh parang robot kung magtrabaho na gagawin lang kung anong iutos mo na hindi mawala ang katangahan sa katawan eh sumusweldo ng ilang libong dolyar. nakakainis na nakakapanginit ng ulo na nakakabuset at nakakausok ng ilong.. siguro dapat ko na talagang bilangin ang mga araw na ilalagi ko sa opisinang ito.. at sana makahanap sila ng empleyadaong katulad ko.. (hindi naman sa pagmamayabang)

Tuesday, May 08, 2007

eto na sha ngayon..



eto na sha ngayon.. ang batang gamot sa pagod, problema, sakit ng ulo, kabad-tripan etc.. ang batang kahit sino tinatawanan.. ang batang malikot at pagulung-gulong sa higaan.. ang batang mataba, mabigat at marunong ng mang-agaw ng pagkain.. ang batang masayain.. ang batang hindi ko kamukha pero anak ko.. ang batang kaligayahan ko sa araw-araw.. ang batang rason kung bakit diretso na ang direksyon ng buhay ko.. at ang batang pinakamahal ko... si pterra luna..