Sunday, July 30, 2006
Sunday, July 16, 2006
kanlungan
sa tingin mo san k ppnta ngaun?kunsbagay,ayaw kong icpn m n gnugulo kta. mukhang masaya k nmn. natutuwa aq kung nasan k ngaun.masaya aq pra sau.mg iingat k plagi - kanlungan (15.07.06)
hindi ko alam kung bakit nya biglang tinext saken to. siguro may idea na din sha sa status ko ngayon hindi naman siguro imposibleng makarating sa kanya yun, maliit lang ang mundo. actually, hindi ko talaga alam kung pano ko sasabihin sa kanya. kung big deal man sa kanya o hindi okay lang. pero syempre kahit naman mag-ex kami eh magkaibigan parin naman kami. yun nga lang hindi na kami pede magkwentuhan ng mga bagay na gusto naming pagusapan kasi ganun. at syempre malamang na eto na yung last text nya saken. kasi alam ko hindi na sha mageexert ng effort na kamustahin pa ako kung kelan nya maisipan kasi alam nyang okay lang at masaya naman ako. pero sana kung ipahintulot ng universe na magkasalubong kami, sana makita namin sa isat isa na masaya kami pareho kahit magngitian lang kami. pero sa tingin ko masaya naman sha ngayon..kasi may nagpapasaya na din sa kanya..
Thursday, July 13, 2006
masaya..
hayy isang buwan na pala akong 'married'. bago ako kinasal, laging tinatanong saken ready ka na ba?, gusto mo na ba? sigurado ka? alam mo kung anong papasukin mo? syempre nung time na yun, hindi ko pa alam ang isasagot ko kundi ewan ko, hindi ko alam, siguro, basta.. basta alam ko ikakasal ako. ganun. pagkatapos ko naman ikasal ang tanong naman saken, nararamdaman mo na ba? na may asawa ka na? nung una, hindi ko pa nararamdaman kasi syempre bago palang. parang normal lang. sabi nila mahirap talaga pag may familia ka na pero masaya...masarap at masaya yung feeling na may ka-embrace ka, may kasabay ka magdasal bago matulog, paggising nyo naman magiisip kayo ng breakfast at magkasalo kayo kumain..masaya. kwentuhan kung anong nangyari sa trabaho nyo, mga nakakatawa at hassle na pangyayari. pero minsan, hindi maalis yung kaba kapag malakas ang ulan, kapag gabi na hindi pa sha umuuwi, kapag kumakain ka iisipin mo kung kumain na din sha. kung ok lang ba sha sa trabaho. at kasama mong magalala ang buong familia mo. masaya. msarap at masaya yung feeling na may kasama ka. na kapag malakas ang ulan o kung hindi man umuulan, may naghihintay sayo sa kanto, at kapag kumikidlat pa may tatabing sayo at tatakpan ang tenga mo kasi natatakot ka. may nagbebeibe sayo. masaya. dati hindi ka naman maaga gumising pero ngayon nasanay ka na, nauuna ka pang nagigising sa alarm ng ketay mo. kahit medyo kulang ang tulog nyo, ok lang gumising ng maaga basta magkasabay kayo. masaya. sa ngayon hindi pa ako nahihirapan, kasi hindi ko pa naexperience maglaba ng damit, magluto at maglinis ng buong bahay. hindi dahil ayoko o tamad ako. kasi wala pang chance, at dahil lumalaki na ang tyan ko hindi pa ako pinagagawa sa bahay ng oso ko. kasi hindi daw ako marunong maglaba, eh sa dumi ng uniform nya parang goodluck na lang saken devah! buti na lang din at masarap sha magluto. hehe. buti na lang mabait din sha. pero marunong na akong magbudget ngayon. dahil may paglalaanan na kami. masaya. tamang food trip, kain ng ice cream sa gabi at tambay sa terrace. kwentuhan ng kahit ano, tawanan, asaran at mga simpleng pangarap. masarap at masaya yung feeling na may kasama kang mangarap, kung anong magandang gawin para gumanda ang buong bahay, magpundar ng mga gamit, gamit para sa beibe at marami pang iba. masaya. pati mudralet mo nakikipagpustahan kung anong magiging beibe mo. at ngayon ka-familia na talaga ang treat ng familia mo sa oso mo, minsan mas nagaalala pa sila kaysa sayo. masaya. mas naging close ang familia mo lalo na siguro pag labas ng beibe mo. siguro petiks lang ngayon kasi bago pa kami, pero sa tagal naming magkakilala malaki naman siguro ang natulong nun sa status namin ngayon. sana nga lang, mas maging maganda yung relasyon namin, kahit simple basta masaya. at sana maayos namin kahit ano mang problema pagdaanan namin. at ayaw naming magaway lalo na sa usaping anda, dahil fanget yun.
at kapag tinanong mo ako kung anong buhay ng buhay may asawa..simple lang ang sagot ko.....
masaya.... =)
Sunday, July 09, 2006
8 june 2006
...and what is akbay and sandal sa balikat?
with ninongs and ninangs
with judge chuva eklavoo..
uyy lahat nakasmile, daming camera..
mr. and mrs. jugo(parang sobrang igsi na yata ng apelido ko)
hmmm...parang mas sweet sila kesa samen...
(sori jas, medyo hindi ka kita, pero malinaw sa orig na pic yan.hehe)
bakit wala sa pic si anne? hay naku yan ang napapala ng laging late.. sana sa binyag ng beibe ko eh kasali ka na...


