....maraming sorpresa ang buhay. madalas pag ayaw mong mangyari yun ang binibigay sayo. mga bagay na hindi mo inaakala, bagay na kailanman hindi sumagi sa isip mo na mangyayari. pag nandun ka na sa sitwasyong yun, hindi mo alam kung pano mo iintindihin o kung naiintindihan mo nga ba ang nangyayari o pinipilit mo na lang intindihin kahit na magulo ang sitwasyon.
.....sa mga ganitong pagkakataon sana magkakausap tayong tatlo ng personal. para masabi natin sa isat isa kung ano ang nararamdaman ng bawat isa. two weeks ago magkakasama tayo, sobrang masaya tayo nun kahit na sobrang simple at steady lang tayo nun. pero hindi natin inakala na may mas susorpresa pa pala sa atin. pero ganun talaga ang buhay, bigla ka na lang gugulatin, lalo na sa panahon na hindi ka handa. pero alam ko man, maaayos din ang lahat. babalik ang lahat sa dati. magkakadugtong na ang mga pusod natin. tayong dalawa jas, ninang ng pamangkin ni anne. at kung sakasakali, magiging ninang naman kami ni anne ng magiging beibe ni lani. at magiging ninang tayo ng anak ng bawat isa. mahal ka namin man. at mahal namin ang pamilya mo. sa dami ng pinagdaanan natin, ng pami-pamilya natin meron pa ba na hindi natin makakaya? basta kapit lang tayo man...
TARA, INUMAN TAYO, YUNG TOTOONG INOM AH! YUNG HINDI ISANG BOTE LANG, LASING NA. YUNG MAHABA-HABANG INUMAN AT KWENTUHAN NG MGA HARDCORE NA BAGAY..TARA, INUMAN TAYO! KAHIT MINSAN LANG, MAGPAKALASING NAMAN TAYO SA ALAK..