moonchild

let the moon take you....

Thursday, February 24, 2005

Just Like A Splendid Love Song..




Just Like A Splendid Love Song
Orange and Lemons

Spending my days with you
Is like a living in a world of fancy
With all the beautiful people I know
Makin' love in a world
of vivid colours
How often have I been there
Well it really doesn't matter
As long as we're together
You and me together we will journey
To seek and see the colours
Of our fantasies
Come to life with the stroke of your soothing hands
All the questions of life
I will come to understand
Seasons come
And seasons go
Stars will shine
And lose their glow
But every time I try to look back
I know..
You and me in love with each other
There will be no problems that will bother
Just the two of us painting a world of our own
Everything is perfect
Just like a splendid love song

Wednesday, February 23, 2005

At Your Service..

Kahapon may tumawag na taga-GMA7 sa office namin. May segment sila tungkol sa kung pano mag-apply ng Caregiver. Fortunately, napili nila yung agency namin na pag-shootan ng re-enactment for an applicant who's applying for the said position to Canada. Nakuha nila sa POEA yung agency namin, siguro wala na rin silang choice dahil mas malapit yung office namin sa GMA.Hehe. Pero aliw naman, kaso nakakahiya kasi kasama kami sa re-enactment chuvanels na yun. They will air it on sunday morning, At Your Service ni Rhea Santos. (Sana ma-edit nila yung buong part ko para hindi ako makita sa tv, hehe. At malamang pag pinalabas yun marami pang tulog)

Tuesday, February 22, 2005

trabaho..





"I walk about the streets and look at all the people, and I wonder if they chose their lives? Or were they, like me "chosen" by fate?" -- Eleven Minutes



Dati hindi ko talaga gusto yung trabaho ko ngayon kasi gusto ko talaga sa production, pero minsan lang ako binigyan ng pagkakataon. Pero sa mga buwan at taon na dumaan natutunan ko na palang mahalin ang ginagawa ko kahit na masyado akong nahahasle at kahit na minsan pakshet ang mga kasama ko, kahit na bad trip kausap yung mga aplikanteng makukulit at mga shonga kahit bigyan mo ng instructions, kahit na sumasakit na ang tonsil ko kakasalita, kahit na nagmumukha na akong sirang plaka. pag kausap ko yung mga aplikante, marami akong natututunan sa kanila, kinu-kwento nila yung summary ng buhay nila. bakit gusto nilang umalis, bakit ayaw na nila dito, kung gano na kahirap ang buhay sa pinas at gusto na nilang takasan.
Minsan, sabi saken nung aplikante "Miss, matagal ba processing? kasi gusto ko ng umalis eh. Nahihiya na ako sa mga magulang ko, 26yrs. old na ako wala parin akong achievements" (sabay kamot ng ulo). Bigla kong na-compare yung sarili ko. Ano na nga ba ang naabot ko bukod sa naka-graduate ako ng college? Tas nung isang araw may nakausap naman akong teacher. Sa pagsasalita nya palang halatang matalino sya. Tas kwento sya ng kwento. Nung binasa ko yung resume nya, putsa wat is apat ang course nya. nakakaloka! over-qualified talaga sya. Tas yung license nya sa states asst. to the principal na. Lupet talaga. Pero eto sinabi nya "Pag nagtrabaho ako sa ibang bansa ayokong mag-umpisa sa mataas na rank agad, gusto kong magturo. Eng. ang tinapos ko pero mahal ko ang pagtuturo. Meron akong 3 schools dito pero gusto kong pumunta sa ibang lugar para sa mga anak ko. Ngayon author din ako, nakagawa na ako ng 6 books for elementary. Ilalabas na nila nitong school year." Habang kinu-kwento nya sa akin yung mga achievements nya, nakangiti at masaya ako. Natuwa ako sa mga narating nya at sa mga bagay na mararating pa nya. Ngaps, nung unang tingin ko sa kanya natakot ako kasi yung upper and lower eyelid nya may eye liner eh ang kapal pa. Talo pa si avril lavigne, tas yung suot nyang blouse violet yung color parang halaya, gold ang butones tas naka-black na pants. Wala talaga sa panahon yung suot nya. Pero na-elib ako sa katalinuhan nya.
At ngayon hindi ko alam kung saan ako papunta. Iniisip ko yung mga naabot ng ibang tao habang ako hindi ko alam kung ano pa ba at kung may maaabot pa nga ba ako. Hanggang dito na nga lang ba ako sa apat na sulok ng opisinang 'to, at bibilang ng maraming taon sa pakikipag-usap sa mga aplikante, magbibilang kung ilang tao na ang napaalis papunta sa ibang bansa . Magagawa ko pa ba yung mga bagay na gusto ko. Mga bagay na pinapangarap ko pa rin hanggang ngayon. Magagamit ko pa ba ang talento ko, kung meron man. Pano ang pinag-aralan ko? magagamit ko pa o hindi na? Pag naghanap ba ulit ako ng ibang trabaho, may tatanggap at maniniwala saken? Hindi na ba ako aasa at madidis-appoint pag dating sa huli. Ilang taon ba ako bago ko masabing fulfilled na ako? Gaano ba katagal dumating ang pagkakataon? Ano ba gusto ni God para saken. Kelan matututunang matuwa sa akin ang universe? At kelan nya ituturo saken maging simple ang buhay at hindi kasing kumplikado tulad ngayon? Kelan mo ako tuturuan magmatured?

Thursday, February 17, 2005

waiting is shit..



kuha ni annebeibe.29.01.05.intramuros.





Hindi ko alam kung anong hinihintay ko pero alam ko marami. Hindi ko alam kung anong darating. Hindi ko alam kung hanggang dito na lang ako. hindi ko alam kung tumatakbo na yung hinihintay ko, kung alam ba ng pagkakataon na naghihintay ako. Sana mula sa paghihintay may mapala ako at hindi ako mapagod. Bukod sa peace of mind na hinahanap ko, yung iba hindi ko na alam. Siguro nga, minsan aliw din ang paghihintay..

Thursday, February 10, 2005

steady ka lang..

STEADY KA LANG
Artist: Kitchie Nadal

Steady ka lang Huwag ka na mag-alala
Di naman kita gagaguhin
Tulad ng sinabi mo
At di naman ako tanga
Nais ko sanang samahan ka
Lumipad patungong kanluran
Pero para namang may magagawa
Lumipas na ang lahat
Huwag lang tuluyang malimutan
Mga gabi't araw na pilit na binabalikan
O bakit pa
Steady ka lang
Steady ka lang, ahh
Steady ka lang ...

Wala ng ibang hahanapin pa
At kung meron man di bale na lang
At kahit pa nakakapraning
Tuwing nawawala sa paningin
Sabay hanap ng libang
Mabuti pang itulog na 'to
Lumipas na ang lahat
Huwag lamang tuluyang malimutan
Mga gabi't araw na pilit na binabalikan

Wednesday, February 09, 2005

chewing gum kahapon, ngayon luha na..

kahapon yung mamang barker at yung anak nya naghahati pa sila sa chewing gum na binili nung anak galing sa pera nya. pero kanina nag-aaway na sila. ngawa ng ngawa yung bata habang sinisigawan siya ng tatay nya. sa init ng ulo ni manong barker hindi na nya ako natanong kung anong oras na. lagi nya kasi akong tinatanong, maaga pa naman ako kanina..
ang bata naman ni manong driver, mukha syang matanda pero masasabi ko paring bata pa sya. nagmukha na lang siguro syang matanda dahil haggard yung itsura nya. bakit yung mga asawa at anak na sanggol ng driver laging sinasama sa byahe? wawa naman yung bata, sanggol palang nakakalanghap na ng maduming usok. nung una akala ko pasahero si ate na nakasakay sa tabi ng driver. yun pala mag-asawa sila. nakataas pa yung paa ni ate habang pinapatulog nya si bebe. hayy.. napabuntong hininga na lang ako..
chewing gum kahapon, ngayon luha na..

Wednesday, February 02, 2005

lovebirds..

bakit ang daming mag-jowa-ers sa mall?haha!stupid question! pag umuuwi ako from work sa sm north lagi ang daan ko. hindi dahil mallrat ako lagi, un ay dahil dun ako sumasakay ng fx pauwi. habang nakapila ako ang dami kong nakitang mag-jowa-ers. kahit saan yata ako lumingon may mag-jowa eh. holding hands while walking while pasway-sway pa. akbay dito, akbay dun. kiss dito, kiss dun. hawak sa bewang, embrace and everything about PDA. syempre yung mga magjojowa na tambay sa mall ang trip nila eh manood ng movie, tamang kain, window shopping and blah blah blah. pero habang tinitingnan ko yung mga scenaryong yun na-compare ko yung sarili ko sa kanila. i'm turning 23 next month and obviously medyo marami na rin akong naging bowa pero never in my life na na-experience kong pumunta ng mall na may kasamang bowa, manood ng movie, kumain sa labas, at mag-shopping para ipakita sa kanya na bagay sa akin yung damit na binili ko. at hindi ko rin natripan na magpasundo sa school o sa office. hassle kasi yun eh. na-weirdan nga ako eh kasi hindi pala tipikal para sa akin yung mga ganung scenario. pinagtawanan ko na nga lang yung sarili ko nung naisip ko yun. wala lang natuwa lang ako. gusto ko lang i-share..
minsan, mabigat yung feeling na pag hindi mo napagbigyan yung isang taong humingi sa'yo ng pabor or watever.. nakaka-guilty. siguro at dahil hindi ako sanay humindi.. naisip ko lang kanina..

Tuesday, February 01, 2005

model-modelan effect..

friday palang excited na ako sa photoshoot namin ni annebeibe kahit na wala akong alam sa concept nya. sayang nga lang wala si jasbeibe kasi bumalik na sya sa bataan. pero ayos lang, there's always a next time.
saturday: hindi ko alam kung anong mangyayari. 2pm nagkita kami sa goldilocks blum. ayaw namin gabihin pareho pero pakshet ang trapik, almost 1 hour kaming nasa dyip. toxic. daanin na lang namin sa kwentuhan. tas nung dumating na kami sa intramuros may nakita kaming ikakasal sa manila cathedral. hindi kagandahan yung bride at hindi rin kagwapuhan yung groom. pero lufet, mayaman sila! ang kyut pa nung suot nung mga batang abay kasi meron silang pakpak ng butterfly. butterfly effect naman! sabi ko nga kay anne kinuha na lang nila yun sa mga bahay na may display ng ganung pakpak eh. hehe! naalala nga namin si jasbeibe kasi gusto nyang magpa-picture kay anne ng may pakpak sya parang alitaptap na fairy-fairyhan effect. parang ang kyut ni jas nun!hehe. taba ng cheeks. lambing lang oso..
syempre hindi na kami nagtagal pa sa pagpepetiks. naghanap na kami ng view para sa pagpo-pose ko. haha! syempre sumusunod lang ako sa mga sinasabi ni annebeibe. kung anong gusto nyang gawin ko yun lang ginagawa ko. masunurin naman akong bata eh. dahil gusto ko talaga syang karirin. kahit na medyo nahihiya pa ako. hehe. huli naming ti-nake yung avand gard concept ni annebeibe, which is medyo nag-paka-effort talaga kami ni anne kahit na halatang hindi kami marunong maglagay ng make-up and everything. kasi kelangan naming lagyan ng maskara yung eyelashes ko tas kakalat namin sa mata ko. para may drama effect na ganun! basta maganda. sabi ni annebeibe nung sunday maganda daw yung mga pics. parang mtv daw yung dating. hehe. actually, parang mas excited pa nga ako sa kanya makita yung mga pics eh. syempre sobrang hapi puso ako nun nung sinabi nya saken yun. kasi adik ako sarili ko pag dating sa pics. hehe. pero sa susunod mas maganda na at di na kami mahihiya, no limitations. =)
sobrang dream ko talaga maging model eh. pero dahil sa height ko talagang malabo na yun. si annebeibe at jasbeibe lang ang naniniwala saken, siguro dahil wala na silang choice siguro at dahil kaibigan nila ako. hehe.. salamat talaga sayo annebeibe kasi sobrang happi talaga yung moment na yun, kasi feeling ko talaga model ako. wahaha!asa pa ako! (binatukan ko sarili ko). hihi. anne, mahal kita!