trabaho..

"I walk about the streets and look at all the people, and I wonder if they chose their lives? Or were they, like me "chosen" by fate?" -- Eleven Minutes
Dati hindi ko talaga gusto yung trabaho ko ngayon kasi gusto ko talaga sa production, pero minsan lang ako binigyan ng pagkakataon. Pero sa mga buwan at taon na dumaan natutunan ko na palang mahalin ang ginagawa ko kahit na masyado akong nahahasle at kahit na minsan pakshet ang mga kasama ko, kahit na bad trip kausap yung mga aplikanteng makukulit at mga shonga kahit bigyan mo ng instructions, kahit na sumasakit na ang tonsil ko kakasalita, kahit na nagmumukha na akong sirang plaka. pag kausap ko yung mga aplikante, marami akong natututunan sa kanila, kinu-kwento nila yung summary ng buhay nila. bakit gusto nilang umalis, bakit ayaw na nila dito, kung gano na kahirap ang buhay sa pinas at gusto na nilang takasan.
Minsan, sabi saken nung aplikante "Miss, matagal ba processing? kasi gusto ko ng umalis eh. Nahihiya na ako sa mga magulang ko, 26yrs. old na ako wala parin akong achievements" (sabay kamot ng ulo). Bigla kong na-compare yung sarili ko. Ano na nga ba ang naabot ko bukod sa naka-graduate ako ng college? Tas nung isang araw may nakausap naman akong teacher. Sa pagsasalita nya palang halatang matalino sya. Tas kwento sya ng kwento. Nung binasa ko yung resume nya, putsa wat is apat ang course nya. nakakaloka! over-qualified talaga sya. Tas yung license nya sa states asst. to the principal na. Lupet talaga. Pero eto sinabi nya "Pag nagtrabaho ako sa ibang bansa ayokong mag-umpisa sa mataas na rank agad, gusto kong magturo. Eng. ang tinapos ko pero mahal ko ang pagtuturo. Meron akong 3 schools dito pero gusto kong pumunta sa ibang lugar para sa mga anak ko. Ngayon author din ako, nakagawa na ako ng 6 books for elementary. Ilalabas na nila nitong school year." Habang kinu-kwento nya sa akin yung mga achievements nya, nakangiti at masaya ako. Natuwa ako sa mga narating nya at sa mga bagay na mararating pa nya. Ngaps, nung unang tingin ko sa kanya natakot ako kasi yung upper and lower eyelid nya may eye liner eh ang kapal pa. Talo pa si avril lavigne, tas yung suot nyang blouse violet yung color parang halaya, gold ang butones tas naka-black na pants. Wala talaga sa panahon yung suot nya. Pero na-elib ako sa katalinuhan nya.
At ngayon hindi ko alam kung saan ako papunta. Iniisip ko yung mga naabot ng ibang tao habang ako hindi ko alam kung ano pa ba at kung may maaabot pa nga ba ako. Hanggang dito na nga lang ba ako sa apat na sulok ng opisinang 'to, at bibilang ng maraming taon sa pakikipag-usap sa mga aplikante, magbibilang kung ilang tao na ang napaalis papunta sa ibang bansa . Magagawa ko pa ba yung mga bagay na gusto ko. Mga bagay na pinapangarap ko pa rin hanggang ngayon. Magagamit ko pa ba ang talento ko, kung meron man. Pano ang pinag-aralan ko? magagamit ko pa o hindi na? Pag naghanap ba ulit ako ng ibang trabaho, may tatanggap at maniniwala saken? Hindi na ba ako aasa at madidis-appoint pag dating sa huli. Ilang taon ba ako bago ko masabing fulfilled na ako? Gaano ba katagal dumating ang pagkakataon? Ano ba gusto ni God para saken. Kelan matututunang matuwa sa akin ang universe? At kelan nya ituturo saken maging simple ang buhay at hindi kasing kumplikado tulad ngayon? Kelan mo ako tuturuan magmatured?


0 Comments:
Post a Comment
<< Home