moonchild

let the moon take you....

Thursday, January 20, 2005

olats..

kahapon pinagod ko ang sarili ko sa paghanap ng ibang work. pinarusahan ko ang mga paa ko hanggang sa sumakit na talaga sya. nakakaloka maglakad sa makati, dahil two blocks ang haba ng lalakarin mo bago ka makasakay at mas malayo pa yung nilakad mo kesa sa tagal ng sinakay mo sa jeep. at parang dapat pag nag-apply ka ng work dun eh mag-yapak ka muna tas isuot mo na lang yung sapatos mo pag papasok ka na sa building. pucha! hindi advisable ang magsuot ka ng mataas na heels dun noh! hay naku toxic talaga. at eto pa, isa akong alien dahil ako lang ang mass comm. na nag-take ng exam dun puro accounting and management ang course nila. devah! san pa ako lulugar nun. kahit sabihin ko pang madali yung exam at kahit gano ako ka-confident eh olats na talaga ako dun.
nung una deadma lang saken yun. pero nung pauwi na ako dun ko naramdaman na bukod sa pagod na ako eh, medyo nalungkot ako dahil wala din naman akong napala. na-disappoint ko na naman yung mga taong nage-expect na machuchuva ako dun. pero hindi naman ako nanghinayang nalungkot lang ako ng konti. pero syempre ganun talaga. lagi kong sinasabi pag gusto ng universe para sayo yun pero pag hindi may iba pang pagkakataon. inaliw ko na lang yung sarili ko sa pagkukulitan sa mga pinsan ko at pagte-text. tas nung naglalakad na ako sa quezon ave. para sumakay ng fx tumingala agad ako sa langit kasi alam ko nandun si luna. at nandun nga sya, may rainbow-rainbowan pa nga yung paligid nya. dahil dun medyo nabawasan yung pagod ko. kasi alam ko kahit wala akong kasama nung mga oras na yun may nakaalala sa akin na kakilala ko dahil nakita din nila si luna nung mga oras na yun. alam ko yun kahit hindi nila sabihin saken.
dahil sa kagustuhan kong makahanap ng ibang work pati pala buhok ko eh pinaitim ko na ulit at hindi na ako isang mulawin, isa na ulit akong ordinaryong tao. hahaha! sa dalawang araw kong pagsusuot ng sandals at boots eh parang naging isang malaking sumpa sa maliliit kong mga paa. at ngayon balik na ulit ako sa dati, balik na ako sa flat shoes, rubber shoes, at tsinelas. sa simpleng outfit, sa makukulay na accesories, at sa body bag. tsaka ko na ulit totoxickin ang sarili ko pag gusto ko na ulit pagtripan ang sarili ko, pag may ibang chance, pag gusto na ulit ng universe, at pag ok lang saken na ilaglag ako ng mga taong pagpapasahan ko ng resume ko at ipagpilitan ng konti ang sarili ko, umasa ng konti na machuchuva ako kahit na hindi, at tumambay ulit sa paligid ng malalaking building at mang-okray ng mga pips kahit yuppie pa sila o hindi.

3 Comments:

At 8:24 PM, Blogger straightnochaser said...

may next tym pa kaibigan, tiis lang ng konte... malay mo andyan lang ang hinahanap mo. tignan mo sa bag mo bka may coke =)

pero seyoso ako, next tym pare babawi tayo!

 
At 5:58 PM, Blogger adiksabuwan said...

salamat annebeibe, ayos lang yun noh! babawi din tayo!

mis kita at si jas! sana kita na tayo ulit. hindi naman sana umabot pa ng boitdey ko bago tayo magkita ulit noh!

 
At 8:27 PM, Blogger jas said...

oo nga naman, andyan lang ang hinahanap naten! and in our case, i think nasa baguio ang ating kapalaran kaya lezgow na! hahaha.

halika nang mag-migrate sa baguio. hihi.

 

Post a Comment

<< Home