try ko lang naman eh..
kahapon sobrang nahaggard ako sa pag-aaply. hindi pa ako nakakalayo sa bahay naman eh nagka-paltos na ako, nakakainis. hindi na kasi ako sanay magsuot ng sandals at may heels pa ha! tas naka-skirt pa ako na napakahaba ng slit at naka-longsleeves. hindi ko nga alam kung anong ia-aaply ko sa suot ko eh. dahil mukha akong manager na nagpipilit dahil kahit anong isuot ko mukha parin akong bata.hihi. tatlo lang naman yung sugat ko sa paa kakalakad, wala naman akong muscle sa binti pero kahapon nagkaroon ako dahil pag hinawakan mo sya pucha ang tigas!lupet nga eh! sa susunod hindi na ako magsusuot ng ganun, malaking parusa eh. sa wednesday may written exam ako kahit na hindi ko alam kung mapapasa ko ba yun o hindi. sabi ko nga kay jasbeibe, kung gusto ng universe para saken yun pero kung hindi ganun talaga. pero hindi ko talaga alam kung anong position yung ina-apply-an ko.hehe. ang smart ko. pagkatapos nun kahit sobrang haggard na ako at 2pm na pumasok pa rin ako sa office. pero pag dating ko sa office medyo nanghina ako kasi naguilty ako, kasi pag natanggap ako dun iiwan ko na sila. sabi nga nung boss ko "pag natanggap ka dun sabihin mo ha, para makahanap kami ng kapalit mo". sabi ko "try ko lang naman eh, sayang kasi. pag natanggap eh di natanggap. pag hindi eh di hindi". pero sumakit yung puso ko nung mga oras na yun, kasi alam ko hindi naman nila gusto na umalis ako kahit na maraming hassle pero kelangan eh.. tas nung pauwi na ako ayoko ng maglakad kasi sobrang masakit na yung sugat ko, parang ayoko na ngang umuwi gusto ko na lang umupo kung saan. kung hindi lang ganun kadumi yung daanan dito sa pinas eh binuhat ko na lang sana yung sandals ko at nag-yapak na lang ako. hehe. kaya pag-uwi ko sobrang pagod talga ako. huhu..
sayo lorns gudluck.


0 Comments:
Post a Comment
<< Home