moonchild

let the moon take you....

Friday, January 14, 2005

Soulmate kahit di magkatuluyan, soulmate parin..



Try ko lang tawagan ka. Kung wala ka, ayos lang, kung nandyan ka, ayos lang din. Alam ko mahirap kang hagilapin pero try ko parin, malay ko. Pero dina-dial ko palang # mo kabado na ako. Putsa! Nandyan ka? Baket nandyan ka? Haha! Nakakatawa ang universe, ang galeng magbiro! Huh! Ang tagal na nating di nag-uusap at 48yrs na rin tayong di nagkikita. Ganun naman lagi devah! Pero sanay na’ko. Hindi ikaw ang vicarious thrill ko kung magpapakita ka saken lagi, at hindi na normal saten kung constant yung communication naten. Last year tatlong beses lang kitang nakita at 5 times ka lang nagtext.

Anong itsura mo ngayon? Maigsi buhok ko ngayon. Pag nag-uusap tayo buhok ang una nating tinatanong sa isa’t isa, ewan ko kung bakit. Ikaw mahaba parin buhok mo? Oo, lagpas balikat na. ayos yan! kamusta ka na? ganun parin. At ganun parin ako. Natatawa lang tayo pareho dahil wala tayong masabi sa isat isa. At mukha tayong tanga. Weird noh! Kahit naririnig ko na yung boses mo at nasa kabilang line ka lang, hindi parin ako naniniwala na kausap kita haha! parang nung dati.
Dati, pag magkasama tayo ayos lang kahit hindi tayo mag-usap ng matagal, hindi naman kelangan na may sabihin tayo sa isat isa eh. Kahit magtinginan lang tayo, ayos na yun. Masaya na yun. Marami nang nangyari saten. Sabay tayong lumaki, sabay tayong nag-mature. Marami ng dumaan at nangyari pero nandito parin tayo. May mga bagay na nangyari sa’yo na hindi ako kasali at ikaw din saken. Pero iba yung saya pag nagkakaroon tayo ng chance na makapag-usap. Meron paring kilig.
Dati, marami akong bagay na hindi matanggap, bakit ganito, bakit ganyan, bakit hindi dapat, bakit hindi pa ngayon at marami pa. pero ngayon, mas marami na akong naiintindihan. Natatanggap ko na lahat. Dati, pag dating sa’yo lagi akong naghihintay. Naghihintay na sana bumalik ka, kahit gano katagal maghihintay ako. Dahil alam ko babalik ka. Pero kung babalik ka dapat matagal na, dapat noon pa. pero hindi ganun.
Nung high school tayo marami tayong pagkakaiba pero hindi ko napansin yun. Siguro ngayon na lang natin naiintindihan ang isat isa. Dahil mas tanggap na natin ang lahat. Dati, wala akong gustong gawin kundi hintayin ka, pero ngayon kahit hindi ka na bumalik ayos na saken yun. Sinabi mo sa akin dati, kahit lolo ka na at may pamilya ka na, hahanapin mo parin ako. Hindi mo alam lahat ng sinasabi mo sa akin tinatandaan ko. Parang tape recorder. Last time na nagkita tayo malungkot ka, sabi mo gusto mo ng kausap at naalala mo ako. Nung time na yun naramdaman kong malungkot ka, at gustung-gusto kong makinig sa’yo kahit pa hindi ako kasali sa mga kwento mo. Nung time na yun, may takot ka. Natatakot ka dahil baka pag gusto mo ng bumalik sa taong gusto mong balikan eh wala ka na palang babalikan. Sabi mo, parang roots kung san ka nag-umpisa dun ka parin babalik. Parang ikaw, ikaw yung roots ko diba?. Dati, maraming bagay ang hindi mo nasasabi saken, kahit nararamdaman mo. Pero ngayon, kahit anong gusto mong sabihin nasasabi mo na saken. Kahit yung mga bagay na ayaw mong aminin saken, inaamin mo na ngayon. Walang pretentions. Pag malungkot ka, basta naalala mo ako masaya na ako nun dahil kahit pano pinapapasok mo ako sa mundo mo. Mas ok tayo ngayon. Pag tinatawag mo akong ‘tol o man, kinatutuwaan ko na kasi feeling ko yun yung term of endearment mo saken. Haha!korni noh! Lam ko hanggang ngayon excited ka parin makita ako. Hehe! Lam ko dahil saken kaya wala ka paring gf hanggang ngayon, haha! lakas ng fighting spirit ko noh! Kahit once in a blue moon ka lang magparamdam, ok na saken. Kasi pag ganun mabait ang universe,it means natutuwa sya saken kaya pinapakilig nya ako kahit vicarious thrill lang, napapangiti mo ako lagi. At kung ikaw yung soulmate ko, kahit di magkatuluyan, ikaw parin ang soulmate ko. kung meron mang soulmates na hindi magkatuluyan pero soulmates parin, tayo yun..

1 Comments:

At 11:50 PM, Blogger jas said...

yebah!! nagparamdam din ang manok ko!!! wahoo! killer date na yan! hehehe. kamon kamon! i-full force na ang kiligness!

*nalaglag sa upuan si jas dahil sa kilig.

 

Post a Comment

<< Home