moonchild

let the moon take you....

Wednesday, January 26, 2005

sarap ng pagsasama at simpleng ligaya..

hiramin ko muna ulit yung lyrics ng coca-cola ad..
sarap ng pagsasama at simpleng ligaya. tara na sakyan lang malay mo andyan lang, andyan lang ang hinahanap mo.
monday.24.01.05 - etong date na'to hinding-hindi namin makakalimutang tatlo (anne abner, jas tolits, ernie lorns). maraming masayang moment ang na-experience namin. hindi ko na iku-kwento dito yung detalye, ibibigay ko na lang kay jasbeibe. ibang leveling na lang ang sasabihin ko.
pag magkakasama kami sobrang saya yung feeling. lagi kaming excited na makita ang isa't isa (syota ba itu?). sayang wala kaming picture nung moment na yun! hayy ang dami naming napagusapan, mula sa problema, sa masasayang experience, sa future plans at pati narin sa mga usaping puso. hehe, mawawala ba yun sa usapin ng mga babae..
sa'yo nanay kata, maraming salamat! salamat sa happiness na binigay mo sa'men kahit hindi mo alam na ganito pala ang impact sa'men.
nung gabing yun, sa sobrang dami naming napag-usapan narealized ko na nagma-matured na nga kaming tatlo. before, we always talk about our plans, we'll do this, and we'll do that pero walang actions. pero that night pursigido talaga kami na matuloy na yung business namin (business naman kung business). siguro 'eto na rin yung time para sumugal at lumaban kami. basta magkakasama kaming tatlo, kaya namin 'to! kaya nga tatlong oso eh.hehe.. lagi naman kaming naniniwala sa isa't isa eh. kaya kapit lang tayo mga kapatid!
bago kami maghiwalay, sinabihan namin ng i love you ang isa't isa. nakakatuwa minsan lang namin sabihin yun ng personal. sa iba korni pero sa'men bigat na ng dating nun. and were not ashamed to say i love you to each other in front of other people, dahil ganun ka-importante yung friendship namin. and im so lucky to have them, mga kapatid ko.. salamat sa laging masayang moment na magkakasama tayo..


1 Comments:

At 12:58 AM, Blogger jas said...

alam mo ate anlaki ng ngiti sa mukha ko habang binabasa ko tong post na to. :)

salamat din. I LOVE YOU!!!

 

Post a Comment

<< Home