moonchild

let the moon take you....

Friday, January 28, 2005

ernie..

put your heart in my hands, you'll be safe here- rivermaya
two years na pala tayong magkasama. college pa ako nung magkakilala tayo. siguro kung hindi ka naging maliit, naagaw ka na saken ni jasbeibe pero siguro para saken ka talaga. lahat ng nararamdaman ko alam mo, pag malungkot, pag masaya ako nakikita mo. kasama kita kahit saan ako magpunta. lahat ng na-experienced ko na-experienced mo na rin. kung nakakapagsalita ka lang siguro lagi mo akong pinapagalitan sa mga sablay na ginagawa ko. siguro bukod sa mga kaibigan ko ikaw din ang unang ngumingiti pag masaya ako. minsan hindi kita napapansin pero pag kelangan kita laging andyan ka. pag umuulan ikaw ang lagi kong kasabay. pag kasabay kita hindi ako ang bida dahil sayo lang tumitingin yung mga tao, dahil kakaiba ka. hindi kita pinapaliguan kasi magshri-shrink ka baka hindi na kita makasabay sa paglakad pag lumiit ka pa lalo, pero hindi ka naman bumabaho. alam mo bang sobrang paborito kita? pakikilala kita sa magiging anak at mga apo ko. kahit hindi ka na uso, uso ka parin para saken. two years na kitang kaibigan ng hindi ko namamalayan. pero ngayon ikaw ang bida sa kwento ko. dahil kay jasbeibe nabinyagan ka ng "ernie". dalawang taon pa pala bago kita nabigyan ng pangalan (salamat jas). simula ngayon yan na ang tawag ko sayo. marami pa tayong pupuntahan, marami pa tayong dadaanan, marami pang masasaya at malulungkot na moment ang pagsasamahan natin, marami pang bagyong dadaan at sa mga panahon na yun yayakapin mo ako lagi. salamat dahil lagi mo akong sinasamahan. salamat sayo, aking ernie wind breaker...at ako naman si bert dahil salubong ang kilay ko, hehe =)
"dito ka muna sa aking bag.."


0 Comments:

Post a Comment

<< Home