happy orbit lorns
hay ilang taong na ba ako? ayon ba sa age ko ang pagiisip ko? o isip bata parin ako?
salamat sa mga kaibigan kong sumama magcelebrate ng orbit ko sa penguin. sa wakas nasama na namin sila pi, archie, alvin and robee dun. atleast ngayon madami kaming nagcelebrate hindi tulad nung nakaraang taon parang kaming tatlo lang lagi. pero hapi joy joy talaga yung experience na yun. kahit simpleng kwentuhan, laglagan, kain, inom, tawanan, asaran, konting sablay masaya pa din. parang walang problema. ni hindi nga napagusapan kahit gatuldok na problema. basta masaya. alam ko mauulit pa yun, kahit hindi ko na bedey. ibang okasyon naman o kahit wala kahit tamang trip lang. masarap makama yung mga kaibigan na alam mong mahal ka at mahal mo. kahit hindi kayo madalas magkita at magusap tungkol sa buhay pero pareho kayo ng nararamdaman na masaya kayong magkakasama kahit ilang oras lang. sobrang iba yung feeling.
madaming surpresa ang buhay. madami pang mangyayari. madami pa tayong pagsasamahan. madami pang luha at mga tawa. tatanda tayo ng sama-sama..
salamat kay frani and bonnie na nagumeffort pang gumawa ng bday card kahit na nun lang nila ako nakilala. salamat talaga, sobrang naappreciate ko! sana magkita at magkwentuhan ulit tayo..
salamat sa universe kasi pinasaya nya ako bago ako magbday, dahil nakasama ko ang mga kaibigan ko. salamat dahil sinurpresa nya ako, isang surpresa na hindi ko naisip. maliit talaga ang mundo. matagal na tayong di nagkikita, wala na din tayong communication siguro dahil busy tayo pareho o kaya walang pagkakataon. pero sa di inaasahang pagkakataon, nagkasalubong tayo at nagkamustahan. kahit sandali lang, ni wala pa yatang 5mins. pero masaya talaga. kahit wala na ang kilig pero nandun parin yung tuwa na nakita kita. yung feeling na nakita ko ulit yung kaibigan kong matagal kong hindi nakita. powgi ka parin, ganyan ka parin manamit, isa parin ang mga reaksyon mo pero alam ko madami ng nagbago sayo, at sakin. kahit wala na ang dating kilig alam ko, magkaibigan parin tayo. at gusto kong sabihin sayo na masaya ko na nakita kita ulit..hanggang sa muling surpresa ng universe..
salamat anne, jas, pi, robee, archie and alvin..