dilaw na t-shirt. nakatuping pantalon. tsinelas na kulay orange. anong oras na ba't nasa bahay ka pa? hinahabol ang oras baka sakaling abutan kasabay ang mga taong kapwa nagmamadali papunta sa pupuntahan. mga sasakyang naguunahan. busina dito, busina dun .hinto dito, hinto dun. natutulog sa sasakyan,"manong puyat ba kayo? try nyong wag ilabas yung dila nyo ang fanget kasi eh". simbahan, mag-krus ka. ang daming hagad bawat kanto yata meron, ano bang meron? ang bagal ng driver, "manong nagmamadali po ako". nagbabasa ng isip ng iba. ano kayang iniisip mo? nakakainip. ano kayang pwede kong gawin. tumutunog ang cell phone mo. wag mong sagutin, sagutin mo! ano ba anong oras na san ka na ba?"Ma, para!". call boy, barker o kung anuman ang tawag "V.Luna, Anonas! Miss, anong oras na?". "9:30 po". yun ang laging tanong at yun din ang laging sagot. mahaba pa ang byahe. mabilis ng takbo ng dyip kasing bilis ng tibok ng puso mo. ang daming salitang pumapasok sa isip pero walang makarinig. ang daming nagsasalita, iba't ibang tao. "Ate, ikaw na naman. maayos ang bihis mo, fresh ang make-up natin ah! pero sa tuwing nakikita kita lagi kang kumakain ng prutas sa dyip. hindi mo ba alam unethical ang kumain sa sasakyan? pero ano nga bang pakialam mo sa unethical na yan eh sa gusto mong kumain". nag-aapoy ang damdamin pero hindi maramdaman. nangungusap ang mga mata pero walang nakakakita. pagod ka na ba? hindi pa. sana lahat ng pumapasok sa isip mo eh hindi mo makalimutan. "Ma, para!". hala! sige takbo, maglakad ng matuilin, mag-over take sa mga kasabayan sa paglalakad. bilisan mo. wala pang tao. wala pang tao sa office. baket nagmamadali ka? wala ka naman palang aabutan. ubusin ang oras sa pagbabasa. nararamdaman mo ba? pumapasok ba sa isip mo? oo. tunog ng telepono, masakit na sa tenga. mga caller na walang kwenta magtanong. nakakatamad kausap. pilay na braso, sa pag-angat lang ng telepono iniinda na. putsa ang sakit! ang bagal ng oras. ang bilis ng oras. uwian na ba? hindi pa. ang sipag ni manong janitor, linis dito, linis dun. "manong kumain na kayo? eto pagkain oh, malinis yan. hindi nagalaw yan dalawa lang kasi kaming kumain eh". manong janitor "salamat". pangalawang kain mo na yan, hindi ka pa ba busog? anong mangyayari sa'yo mamaya? ewan ko. naisip mo na? hindi pa. san ka pupunta? hindi ko alam. sinong gusto mong kausapin? wala. madilim ang ulap, uulan. umuulan na nga. huminto na rin sa wakas. uwian na nga. maingay sa labas. ang daming tao. madami ring kayang tao sa LRT? sa MRT? sa Lrt 1? malamang! trapik kaya? malamang! mahirap kayang sumakay. malamang! magga-gabi na. may pauwi, may papunta kung saan. saan nga kaya? ang daming tao, parang mga langgam. madilim na pero nagmamadali pa rin kayo. tahimik sa loob ng fx, wala bang gustong magsalita? "manong wag kayong masyadong dumikit saken, masyadong masikip(mamaya mag-aalcohol ako)". ang dami kong nakikitang iba't ibang tao kaya marami ring pumapasok sa isip mo. nasa unahan ng fx. nakadungaw sa bintana. malayo pa ba? bakit gan'to mga tao dito? ang daming pulubi kasing dami ng mga babaeng nagbibigay ng aliw. may baliw sa gitna ng kalsada, bumubuka ang bibig pero walang kausap. naka-midrib, maong na pantalon, tsinelas, mukha pang bagong ligo. "tatawid ka ba o tatawid ka?" parang nakita ko na sya, parang pangalawang beses ko na syang nakita. "hoy, ate napakabata naman nyang ibubugaw mo! anak mo ba yan? alam ba ng magulang nya yung ginagawa mo? ineng, baket binababa mo yang skirt mo. sa ikli nyan wala nang ihahaba pa yan." gan'to ba ang mundo ng ibang tao? iba't iba nga ang kulay ng mundo ng bawat tao. marami ka pang makikita, marami pa dyan. babaeng nakaupo sa cafe, "ate sprite nga tsaka sizzling liempo." hindi gutom yung babae. sa harap nya may naupong parang baliw na parang hindi naman na medyo matandang babae. nakapusod may dalang plastik. bumili ng suba. bumubuka ang bibig, nagsasalita mag-isa. anong sinasabi nya? tumayo, umalis, pumunta sa kabilang kalye. bumalik, umorder ng kape. nagsasalita parin. ayos si manang nakaalahas pa! siguro matagal na syang tambay dun, kilala na sya ng mga tao dun. ano kayang problema nya. babae sa cafe ulit,"ate, sprite nga tsaka ham and cheese". ayos din 'tong babaeng 'to, dinner na pero pang-merienda yung inorder. pakialam mo ba! walang masyadong tao ngayon. manang ikaw na naman! mas malinis ka ngayon kesa nung una ka nyang nakita. nagsusuba ka parin. kape ba ulit ang order mo? weow, asenso tayo ah hot chocolate. nakaktuwa ka naman manang. o alis ka na agad? sa lugar na'to makikita mo ang iba't ibang klase ng tao. mayaman, mahirap, pulubi, puta, lahat na. tambayan 'to ng maraming tao. yung iba nga ito na ang tahanan nila. napakalaki ng acienda nila, buong maynila! meron ka ba nyan? lalaki, "mahal kita". babae "mahal kita". pero naramdaman mo ba? ang daya mo. anong ginawa mo? baket pag hindi kita kaharap ang dami kong gustong sabihin sa'yo. sa sobrang dami naipon na lahat. pero pag kaharap kita halos walang gustong lumabas kahit isang salita sa bibig ko. parang gusto ko na lang tumingin sa malayo dahil wala ring gustong pumasok sa isip ko kahit gustung-gusto kong magisip ng sasabihin sa'yo. baket ang daya mo? gabi na. dapat wala ng tao sa labas. dapat nagpapahinga na kayo. pero may mga taong pang-gabi. "oh, ate wala ka pa bang customer ngayon? gabi na ah! wala ka pang kita? try mo kasing ibahin ang suot mo. korni na yung ganyang suot." sa likod ng fx. dalawa sa harap. tatlo sa gitna. may sumakay at may sumakay pang iba. "oh, manong apat lang ang sakay dito sa likod ba't nagpasakay kayo ng lima?" manong, "may bababa naman dyan sa malapit". babaeng nakaupo sa gitna na nasa gawing kanan, tingin ng tingin sa dalawang lalaking nasa kaliwa nya. ale "mukhang sanggano yung mga 'to. baka magnanakaw 'to. hawakan ko ng mahigpit yung bag ko". kinakabahan. dalawang lalaki, deadma. babaeng nasa likod, tingin din, kabado rin. nakadungaw sa bintana. mag-inang magkayakap na natutulog sa kalsada katabi ang malusog na sanggol na nakadapa sa pagtulog pero walang tirahan. nakakaawa. pero may nagawa ka ba? wala. nabawasan ang sakay, apat na lang ang natira. lumipat si aleng paranoid sa harap. may sumakay na lalaki sa gitna. maya-maya lumipat sa likod hindi dahil naparanoid sya, dahil naiinitan sya. matagal pa ba? gusto ko nng bumaba. dalawa pang babaeng pasahero ang sumakay sa gitna. tingin sa dalawang mukhang sangganong deadma sa katabi. kabado parin. "Ma, para". sakay ng dyip. marami paring tao. "Ma, bayad". abot dito, abot dun. baket wala kasing hulugan na lang ng bayad sa loob ng dyip para hindi nakakapagod ang mag-abot ng mag-abot ng bayad ng ibang tao. gabi na, inaantok na ko. ang dami kong nakita pero alam ko kulang pa. anong aabutan ko sa bahay, simangot o ngiti? tanong na nakakainis o tanong na masaya? saan ka galing? saan ka nagpunta? may gana ka pa bang sumagot? wala. anong ulam? sumubo ng konti. nanuod ng tv, nagpahinga tsaka natulog na "Nay, tulog na tayo. tabi ulit tayo ah! hindi ako makatulog eh". bago matulog iniinda parin ang sakit ng braso. tingnan ang cellphone, sa ganitong oras may makakaalala pa kaya saken?
*eto ang mga bagay na nakita, naramdaman, naisip ko. pero hindi lang isang araw 'to nangyari. maraming araw, pinagdugtung-dugtong ko lang. eto ba ang epekto ng isang taong bored?