rest in peace..
..pano kung 48yrs mo ng hindi nakikita ang kapatid, kaibigan, kamag-anak, o kakilala mo? tas biglang may darating sa bahay nyo at sasabihin nyang "wala na sha" (literally and figuratively). ano kayang mararamdaman mo? yan ang nararamdaman ng mudra ko ngayon. her younger brother passed away last week. pero hanggang ngayon hindi pa sha nakakapunta. nakakalungkot dahil ganito rin scenario na nangyari 3 yrs ago, when her older brother died. pareho lang silang nandito sa manila pero hindi sila madalas magkita. siguro minsan, ganun talaga pag may family ka na. before mamamatay yung tito ko, hinanap nya agad si nay. siguro dahil sila na lang natitirang magkapatid. hindi pa makapunta mudra ko kasi gusto nya may madala shang anda kahit papano pag dating nya dun. hindi kami lumaki na close sa relatives ng nanay ko, yung iba nakalimutan na namin yung mga mukha at pangalan nila, yung iba hindi na talaga namin kilala. pero excited pa rin silang makita kaming lahat. eto na naman magkikita na naman kami pero hindi para magsaya o magreunion kundi para magluksa.. how sad di ba.
:(

