bading nga kaya si doc?
alas-singko palang ng umaga gising na ako at naghahanda sa pagpasok dahil kelangang mag-adjust sa oras, sa oras sa tate para sa interview ng mga M.D. na nagpaka-Nurse. madalas pag nagmamadali ka isang katerbang ka-hassle-an ang haharang sa'yo hanggang sa mainis ka na lang at hindi na magmadali dahil late ka na rin naman. minsan mga pakshet yung mga driver, pag alam nilang nagmamadali ka, pag nakikita nila sa kilos mo, pag tingin ka ng tingin sa oras at nagrereact ang kilay at mukha mo lalo silang magtatagal at pipiliting punuin ang dyip kahit 48yrs nang naghihintay ng sakay. minsan mas mabuti pang maglakad. kaya madalas hindi na ako nagmamadali para mas maaga akong makarating sa pupuntahan ko, ganun eh. ganun minsan, kaadik ang mundo.
maaga naman ako nakarating ng office pero late pa rin. dahil naguumpisa na yung interview chuva nang dumating akong hinihingal. at pagpasok ko apat silang lalaki na parang mga tatay ko na. actually 2 nurse lang yung nainterview, yung isa si kuya mel (boss), at yung isa naman marketing eklavu daw na tuwing nagpupunta dito eh nagi-internet lang at nagpapaphotocopy ng mga resume na nirerecruit nya. minsan hindi talaga mawawala sa mga pinoy ang pagiging mayabang, napansin ko lang dun sa pagsagot nung isang nurse, kesyo m.d. sha dito, blah blah blah. tas yung pangalawang nurse naman, parang may itinatagong kavaklaan sa kanyang katawan. nahalata ko yun nung nagumpisa shang magsalita. kaya pala nakatitig sha saken nung dumating ako. naakit siguro sa makulay kong necklace at naisip nyang bagay sa kanya.haha. gaga ko! pero feeling ko talaga bading sha. tas tiningnan ko yung kamay nya kung may wedding ring, meron naman. tas close close friend pala sila nung isang nurse. sabi nila dapat talagang magkasama sila sa work para kung may magkasakit sa isa sa kanila, yung isat isa na lang yung tatakbuhan nila. naisip ko, baka nga may lihim silang relasyon.hahahaha!bad ko!
dahil marami pa silang tanong tungkol sa salary, housing at kung anik anik pa. kinausap pa nila yung pinsan kong may ari ng placement sa states. tas tinawagan ako nung pinsan kong yun para kamustahin yung interview, at usisain sakin kung vaklush ba yung nurse. baliw din yung pinsan kong yun eh. sabi ko tingin ko nga din. pero talagang pinagpilitan nyang "bakla yun, tingin ko".hayy, aga-aga tsimis..
..eto ang epekto ng pag gising ng sobrang maaga.
bading nga kaya si doc?


