flying kiss ni manong..
... nung friday.. habang papunta ako sa parking lot sa tabi ng building ng office may nakita akong dalawang estudyante na lalaki. tas may lumapit na nanlilimos sa kanila. isang matandang lalaki na may saklay. nung una, deadma sila pero nung napagmasdan nila ng mabuti dumukot sila ng barya at binigay sa matanda. habang ako tumitingin lang at naghihintay sa iba pang mangyayari. tinititigan ko lang si manong. gusto ko shang bigyan ng andalucia kaso wala rin ako nung mga oras na yun, pamasahe ko na lang pauwi. tas nung napadaan yung pinsan ko, binigyan nya ng barya. nung pagbaling ko ulit sa kinatatayuan ni manong, may nakita kong kanin sa harap nya. hindi ako sigurado kung sa kanya yun na nahulog o nakita nya lang. habang nakatayo sha nakatitig sha dun na parang kinakausap nya tas umarte ng flying kiss (2x) tas bigla shang ngumiti at nagba-bye. nalungkot ako kasi parang napakaimportante sa kanya nun. syempre sa mga katulad nyang hindi kumakain tatlong beses sa isang araw. mahalaga sa kanya yung bawat butil ng pagkain. nalungkot talaga ako pero pinanuod ko lang sha, wala man lang akong nagawa. tuwing napapadaan ako kung saan sha nakatayo, naaalala ko yung scenariong yun.
tinamaan ako ng flying kiss ni manong.. natuto ako..


0 Comments:
Post a Comment
<< Home