totoo ang karma..
"mas mailap ka pa sa ibong malaya, alam mo ba yun?"
hindi ko alam kung bakit mo nasabi yan. siguro nga naiinis ka sa akin, banas, badtrip whatever. hindi ko alam kung papatulan ko kabadtripan mo. dahil kahit kelan hindi mo ko naintindihan, feeling ko kahit kelan hindi mo tinry. hindi ko alam kung anong gusto mong mangyari. pero sa tingin ko yan ang dapat sayo. hindi lahat ng pagkakataon, pabor sayo. at hindi lahat ng tao kaya kang intindihin. siguro nga mailap ako, pero wala akong magagawa. ilang beses akong nagtry pero wala kang ginawa. iniwan mo ko sa ere ng walang sabi-sabi tas ngayon gusto mo ok na agad lahat. hindi naman yata tama yun. alam mo bang kinatutuwaan ko pa yang inis mo, kulang pa yan sa pinaramdam mo saken. kung totoo ang karma, eto na yun..


0 Comments:
Post a Comment
<< Home