moonchild

let the moon take you....

Thursday, March 31, 2005

bakit kasi?

bakit kasi?

bakit kasi kailangan mo pang mag-miss call ng dalawang beses, ng wala ka naman palang sasabihin. I asked you twice, pero wala kang reply. Ok na ako ngayon, at ok na ok. Gusto kong isipin na nagkamali ka lang sa pag-dial or whatever, o baka na-dial lang yung number ko pero bakit twice? Binura ko na lahat ng messages at number mo sa ketay ko. Pero hindi mo pa pala binura number ko sau. Alam mo bang hassle ka, dahil wala kang kwenta. Nananahimik na ako pero nagparamdam ka pa. Nagparamdam ka nga pero wala lang. Kung magpakita ka man saken any moment (kahit na malabo talaga), kakausapin kita dahil marami akong gustong sabihin sa'yo. Gusto kong makita mo kung gano ako ka-ok, na mas ok ako kesa dati. Na kaya kong maging masaya kahit sobrang hardcore ng mga sablay na nangyari saken. Gusto kong makita mo sa mukha ko na masaya ko. Dun lang makaganti ako. Gusto kong makita mo ang ngiti ko, at itanong sa sarili mo kung bakit. Yun lang..

Wednesday, March 23, 2005

lapit na..

lapit na..

Lapit na pala orbit ko, pero hindi ko parin alam kung san ko dadalin si jasbeibe at annebeibe. Basta gusto ko magkasama kaming tatlo sa araw na yun. Sa lugar na tahimik, kung saan kami makakapag-kwentuhan, maraming kwento. Excited na akong makita sila. Antagal na naming di nagkita, parang 48 yrs na. Hayy... Miss ko na kayo mga kapatid!

Wednesday, March 16, 2005

MATA

salamat jasbeibe nakuha ko na lyrics nito. gustung-gusto ko yung kanta na'to ngayon. ansarap ipangsampal sa mga taong pakshet at walang kwenta, hayy tugmang-tugma.hehehe =)

Mata (Mojofly)

Kamusta na, nandyan ka pa ba
Wala na yatang magagawa kundi tumawa
Nandyan pa ba mga ala-ala
Ang tanging bagay na naiwan sa'ting dalawa
'wag na paikutin ang isa't isa
Lahat ng bagay ay malinaw na
Hindi na rin kailangan pagpilitan pa
'di mo na kinakailangan pang magsalita
Nakita ko na lahat ito
Pinahihiwatig ng mata mo
Salamat na lamang sa iyo

Tuesday, March 15, 2005

Respeto lang..

Respeto lang..
Wala na akong pakialam sa'yo pero eto ang gusto kong sabihin sa harap mo: Respeto lang, pero sa ginawa mo wala ka nun. Ikaw ang pinakawalang-kwentang tao para sa akin.. (hayy ang sarap ng feeling. Sana magkaroon ako ng chance sabihin 'to sa harap mo. one time lang man..)

bump into..

"If you bump into something good, you hold on to it until it's time to let go"
--Under the Tuscan Sun

..nakapag-let go nako..

salamat na lang..

"Nakita ko na lahat ito. Pinapahiwatig ng mata mo. Salamat na lamang sa'yo.."


lagi kong naririnig 'to twing umaga pero hindi ko alam ang title tsaka kung sino yung kumanta. Naaliw lang ako sa lyrics =)

Monday, March 14, 2005

sabi ng U2

Kanta sa akin ni jasbeibe ngayon.. Salamat kapatid! Mahal kita!
Tough, you think you've got the stuff
You're telling me and anyone
You're hard enough
You don't have to put up a fight
You don't have to always be right
Let me take some of the punches
For you tonight
Listen to me now
I need to let you know
You don't have to do it alone
And it's you when I look in the mirror
And it's you when I don't pick up the phone
Sometimes you can't make it on your own
We fight all the time
You and I...that's alright
We're the same soul
I don't need...
I don't need to hear you say
That if we weren't so alike
You'd like me a whole lot more
Listen to me now
I need to let you know
You don't have to go it alone
And it's you when I look in the mirror
And it's you when I don't pick up the phone
Sometimes you can't make it on your own
I know that we don't talk
I'm sick of it all
Can - you - hear - me - when - I -Sing, you're the reason I sing
You're the reason why the opera is in me...
Where are we now?
I've got to let you know
A house still doesn't make a home
Don't leave me here alone...
And it's you when I look in the mirror
And it's you that makes it hard to let go
Sometimes you can't make it on your own
Sometimes you can't make it
The best you can do is to fake it
Sometimes you can't make it on your own
- sometimes you cant make it on your own, U2

Friday, March 11, 2005

Lorna is Dead..

Anong ginagawa mo pag dyumidyirbaks ka? nagbabasa ng dyaryo/libro, kumakanta, nag-iisip, muni-muni, tunganga o wala lang. Kahit ano pang ginagawa mo ayos lang.
Pag dyumidyirbaks ako ang dami kong naiisip na kung anu-ano. Kanina naisip ko, anong magiging reaksyon mo kapag nagtext ka kay lorna tas ang nireply sayo eh lorna is dead? haha!loka-loka talaga ako.
Eto ang ibig sabihin ng lorna is dead:
- patay na tao/deadma
- pathetic
- walang paki
- torete
- lutang
- tuliro
- durug-durog
- sabog sabog
- lungkut-lungkutan
- bigo
- wala sa sarili
higit sa lahat adik!
Pero kung hindi mo alam ang ibig sabihin ng lorna is dead siguro magpapanic ka pag nakareceive ka ng reply na gan'to. =)
lorna is dead aliw ulit-ulitin..

Thursday, March 10, 2005

Waiting in Vain..

Waiting In Vain
From the very first time i rest my eyes on you boy
My heart said follow through
But i know now that I'm way down on your line
But the waiting feeling's fine
So don't treat me like a puppet on a string
cause i know how to do my thing.
Don't talk to me as if you think I'm dumb
I wanna know when youre gonna come
I don't wanna wait in vain for your love
I don't wanna wait in vain for your love
I don't wanna wait in vain for your love
I don't wanna wait in vain for your love
Summer is here, I'm still waiting there
Winter is here and I'm still waiting there
Like I said
It's been three years since I've been knocking at your door
And I still can knock some more
Is it crazy love?
For I do knock some more
You see in life I know
Thre's lots of grief
But your love is my relief
Tears in my eyes burn
Tears in my eyes burn
While I'm waiting, while I'm waiting for my turn
You know I
You know I
I don't wanna wait in vain
i don't wanna wait in vain
It's your love that I'm waiting
It's my love that your running from
It's your love that I'm waiting
It's my love that your running from
I don't wanna wait in vain for your love
I don't wanna wait in vain for your love
I dont wanna wait in vain for your love
I don't wanna wait in vain for your love

fast forward na please!

Sana ang buhay parang film pedeng i-fast forward pag ayaw mo yung eksena at pede mong i-rewind yung eksenang gusto mong balikan at ulitin. Para pag finast-forward mo ganun din kabilis dumaan yung sakit. Sana pwede mong i-edit pag ayaw mo yung kwento parang fairy tales, laging happily ever after. pede kang mamili ng role na gusto mo, ng partner mo, ng mga tauhan na gaganap. Pede mong i-cut pag pagod ka na, pahinga muna tayo. Yung ikaw ang masusunod kung anong ending ng story. Sana ang buhay pedeng ilagay sa isang tape at itago, panuorin mo na lang kung kelan mo ma-tripan panuorin. At ulit-ulitin yung masasayang bagay na nagyari sayo. At itapon yung mga pangit na eksenang pinagdaanan mo. Sana kapag nasaktan ka, sa isang kisapmata tapos na ang lahat. Ibang simula naman. Ayoko ng malungkot. Ayoko ng masaktan. Ayoko ng makaramdam ng pagmamahal sa taong dumurog ng puso ko. Kelangang magpahinga ng puso ko para mabuo ako ulit. Pero saan ako magsisimulang pulutin ang mga pirasong nadurog na?Fast forward na please!

Wednesday, March 09, 2005

buset..

nakakainis!punyemas! andami kong nararamdaman pero hindi ko malabas sa blog na'to. andami kong gustong sabihin pero walang gustong lumabas sa isip ko. buset! badtrip! anlakas maka-badtrip pag durug-durog ang puso mo..

3 mukha ng pag-ibig

unang mukha..
Ikaw ang vicarious thrill ko. Ikaw ang pang-back-up ko pero hindi pangmatagalan. Ikaw ang nakakapagpakilig sa akin kahit sa mga simpleng bagay lang. Ikaw ang kinakausap ko sa isip kahit magkaharap na tayo. Ikaw ang pinakamatagal kong hinintay. Sa lahat ng hinintay ko ikaw ang hindi bumalik pero laging nandyan. Ikaw ang minahal ko at ngayo'y kaibigan. Hindi na natin kailangang magsalita para malaman ang gusto nating sabihin. Hindi natin kailangang magkita madalas para pakiligin ang isa't isa. Hindi natin kailangang magpanggap sa mga bagay na nararamdaman natin. Tanggap natin na siguro nga hanggang dito lang tayo, pero ikaw ang soulmate ko. Ikaw ang nakakapagpa-blangko ng isip ko pag kaharap kita. Minsan naiinsecure ako dahil sa ka-gwapuhan mo. Ikaw ang tumatawag sa akin ng 'tol at man. At minsan sinabi mo sa akin "oi man para sa akin makita kitang ngumiti ok lang". Ikaw lang ang nagpaparamdam once in a blue moon. Dalawang beses, tatlong beses sa isang taon pag lumagpas ng limang beses hindi na ikaw yun. Salamat sa mga simple at masayang moment na kasama ka.
pangalawang mukha..
Minsan bumalik ka, minsan din akong naniwala. Hindi lahat ng bumabalik nagtatagal. At kung tumagal man nawawala din agad na parang bula. Minsan tinaggap kita, naging parte ng buhay ko. Minsan nangarap ako na kasama ka. Minsan sumaya ako ng dahil sayo pero ikaw din ang rason sa sakit na naramdaman ko. Wala akong hiniling sayo pero wala ka ring binigay. Sana sa lahat ng sakit na binigay mo maintindihan ko kung bakit. At kung dumating yung minsan na makita kita ulit sana masagot mo na yung mga tanong kong bakit.
pangatlong mukha..
Sa lahat ng nagmahal sa akin ikaw yung hindi mananakit sa akin. May mga bagay na hindi mo alam na nangyari sa akin pero nandyan ka pa rin. Ilang beses na kitang nasaktan pero tinanggap mo parin ako. Ikaw ang laging sumsasalo sa akin sa mga kapalpakan ko. Lagi kang nag-aalala pag hindi ako ok. Nasasakyan mo ang mga kaadikan ko. Kung anong trip ko, trip mo din. Sa mga pagkakataon na magkasama tayo, walang malungkot na moment. Alam mo kung paano 'ko pangitiin sa mga simpleng bagay. Isang tingin mo lang sa akin alam mo na ang nararamdaman ko. Sa pagpitik ng gitara at simpleng musika napapagaan mo feelings ko. At sa mga taon na pinagsamahan natin, salamat sa lahat..

Monday, March 07, 2005

"tara, laro tayo pero kaw ang taya!"

Kagabi ko na lang ulit naramdaman kung pa'no maging bata. kagabi ko na lang ulit na-experienced maglaro ng badminton, piko at patintero. Ansaya! Halos mag-kaka-age lang kami, 23 yung pinakamatanda 15 yung pinakabata. Ansayang experienced talaga nun. Pag may nakaka-home o may natataya lahat magtatatalon at mang-aasar, lahat sumisigaw, lahat sumasayaw, creep walk, harlem, asaran pero bawal ang pikon. Alas-diyes na ng gabi pero naglalaro pa rin kami, hindi alintana ang oras, na may pasok pa pala kinabukasan. Ang sarap muling maging bata. Napakalaya ng pakiramdam. Nung mga oras na yun, wala akong naramdamang problema, takot o pangamba. Parang isang musmos na walang pakialam kundi ang maglaro lang. Sa susunod na linggo maglaro ulit tayo, pero kaw ang taya!haha! Ang sarap maging bata!

Thursday, March 03, 2005

makulay.makulay?makulay!




Ganito kagulo ang isip ko pero hindi kasing kulay nito. At sa mga oras na'to hindi ko gusto ang nararamdaman ko.