moonchild

let the moon take you....

Wednesday, March 09, 2005

3 mukha ng pag-ibig

unang mukha..
Ikaw ang vicarious thrill ko. Ikaw ang pang-back-up ko pero hindi pangmatagalan. Ikaw ang nakakapagpakilig sa akin kahit sa mga simpleng bagay lang. Ikaw ang kinakausap ko sa isip kahit magkaharap na tayo. Ikaw ang pinakamatagal kong hinintay. Sa lahat ng hinintay ko ikaw ang hindi bumalik pero laging nandyan. Ikaw ang minahal ko at ngayo'y kaibigan. Hindi na natin kailangang magsalita para malaman ang gusto nating sabihin. Hindi natin kailangang magkita madalas para pakiligin ang isa't isa. Hindi natin kailangang magpanggap sa mga bagay na nararamdaman natin. Tanggap natin na siguro nga hanggang dito lang tayo, pero ikaw ang soulmate ko. Ikaw ang nakakapagpa-blangko ng isip ko pag kaharap kita. Minsan naiinsecure ako dahil sa ka-gwapuhan mo. Ikaw ang tumatawag sa akin ng 'tol at man. At minsan sinabi mo sa akin "oi man para sa akin makita kitang ngumiti ok lang". Ikaw lang ang nagpaparamdam once in a blue moon. Dalawang beses, tatlong beses sa isang taon pag lumagpas ng limang beses hindi na ikaw yun. Salamat sa mga simple at masayang moment na kasama ka.
pangalawang mukha..
Minsan bumalik ka, minsan din akong naniwala. Hindi lahat ng bumabalik nagtatagal. At kung tumagal man nawawala din agad na parang bula. Minsan tinaggap kita, naging parte ng buhay ko. Minsan nangarap ako na kasama ka. Minsan sumaya ako ng dahil sayo pero ikaw din ang rason sa sakit na naramdaman ko. Wala akong hiniling sayo pero wala ka ring binigay. Sana sa lahat ng sakit na binigay mo maintindihan ko kung bakit. At kung dumating yung minsan na makita kita ulit sana masagot mo na yung mga tanong kong bakit.
pangatlong mukha..
Sa lahat ng nagmahal sa akin ikaw yung hindi mananakit sa akin. May mga bagay na hindi mo alam na nangyari sa akin pero nandyan ka pa rin. Ilang beses na kitang nasaktan pero tinanggap mo parin ako. Ikaw ang laging sumsasalo sa akin sa mga kapalpakan ko. Lagi kang nag-aalala pag hindi ako ok. Nasasakyan mo ang mga kaadikan ko. Kung anong trip ko, trip mo din. Sa mga pagkakataon na magkasama tayo, walang malungkot na moment. Alam mo kung paano 'ko pangitiin sa mga simpleng bagay. Isang tingin mo lang sa akin alam mo na ang nararamdaman ko. Sa pagpitik ng gitara at simpleng musika napapagaan mo feelings ko. At sa mga taon na pinagsamahan natin, salamat sa lahat..

0 Comments:

Post a Comment

<< Home