moonchild

let the moon take you....

Monday, March 07, 2005

"tara, laro tayo pero kaw ang taya!"

Kagabi ko na lang ulit naramdaman kung pa'no maging bata. kagabi ko na lang ulit na-experienced maglaro ng badminton, piko at patintero. Ansaya! Halos mag-kaka-age lang kami, 23 yung pinakamatanda 15 yung pinakabata. Ansayang experienced talaga nun. Pag may nakaka-home o may natataya lahat magtatatalon at mang-aasar, lahat sumisigaw, lahat sumasayaw, creep walk, harlem, asaran pero bawal ang pikon. Alas-diyes na ng gabi pero naglalaro pa rin kami, hindi alintana ang oras, na may pasok pa pala kinabukasan. Ang sarap muling maging bata. Napakalaya ng pakiramdam. Nung mga oras na yun, wala akong naramdamang problema, takot o pangamba. Parang isang musmos na walang pakialam kundi ang maglaro lang. Sa susunod na linggo maglaro ulit tayo, pero kaw ang taya!haha! Ang sarap maging bata!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home