moonchild

let the moon take you....

Thursday, March 10, 2005

fast forward na please!

Sana ang buhay parang film pedeng i-fast forward pag ayaw mo yung eksena at pede mong i-rewind yung eksenang gusto mong balikan at ulitin. Para pag finast-forward mo ganun din kabilis dumaan yung sakit. Sana pwede mong i-edit pag ayaw mo yung kwento parang fairy tales, laging happily ever after. pede kang mamili ng role na gusto mo, ng partner mo, ng mga tauhan na gaganap. Pede mong i-cut pag pagod ka na, pahinga muna tayo. Yung ikaw ang masusunod kung anong ending ng story. Sana ang buhay pedeng ilagay sa isang tape at itago, panuorin mo na lang kung kelan mo ma-tripan panuorin. At ulit-ulitin yung masasayang bagay na nagyari sayo. At itapon yung mga pangit na eksenang pinagdaanan mo. Sana kapag nasaktan ka, sa isang kisapmata tapos na ang lahat. Ibang simula naman. Ayoko ng malungkot. Ayoko ng masaktan. Ayoko ng makaramdam ng pagmamahal sa taong dumurog ng puso ko. Kelangang magpahinga ng puso ko para mabuo ako ulit. Pero saan ako magsisimulang pulutin ang mga pirasong nadurog na?Fast forward na please!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home