moonchild

let the moon take you....

Monday, May 30, 2005

adventure..

medyo late na'tong topic ko ngayon dahil ngayon lang ako nagkaroon ng chance..
after 48yrs. nakarating din kami ni anne sa bahay nila jas sa bataan. ilang beses na kaming nag-plano na pumunta dun pero hindi kami natutuloy dahil hindi naman kami pinapayagan ni anne ng aming mga familia. pero siguro at dahil nagwowork na kami kaya pinayagan na kami sa wakas! excited kaming tatlo dahil first time kaming lalayo sa ingay, polusyon at ka-hassle-an sa manila. masaya ang trip kahit tatlo lang kami at aliw talaga ang familia ni jasbeibe. nahiya lang talaga ako kasi napansin pa nilang malakas talaga akong kumain kahit na ganito ako kaliit at kapayat.hehe. eh ang sarap naman kasi ng pagkain sa kanila noh! kaya sa susunod na maligaw ulit kami dun kakakaririn ko ulit yung mga luto ng kapatid ni jas na si lanie.hahaha.
actually, naiba lahat ng plano pagdating namin kina jas. ang totoong plano, sandali lang kami mag-stay sa bahay nila jas tas punta na kami sa beach. kaso ang nangyari naghanap at naghintay pa kami ng magtu-tourguide samen, dahilhindi rin naman alam ni jas kung pano pumunta sa oceanview. kaya ang nangyari dinner na kami nakarating sa beach at di na namin naabutan si haring araw. pero ayos lang maganda naman si luna nung gabing yun eh. mas matagal pa yata ang pagu-kwentuhan namin kesa sa pagbabad sa tubig. nag-icebreaker kami at sinagutan namin lahat ng tanong. at dahil dun parang mas naging strong yung friendship namin. tas may tinanong si anne "naisip nyo na bang kumalas sa grupong 'to?" syempre ang sagot namin hindi! almost five years na kaming magkakaibigan at kahit tatlo lang kami, masaya kami palagi. kahit na may mga kasablayan kaming tatlo, kaya naman naming ihandle ang isa't isa. etong friendship na'to ang hindi namin iiwan kahit na tumanda pa kami at magkaroon ng familia. nagmamatured na nga kami ngayon dahil kahit anong bagay napapagusapan na namin ngayon. mga bagay na hindi kami open dati. enjoy kami pag magkakasama even without boys. pro minsan napag-usapan namin na kelan kaya kami magsasama na may kasama naman kaming boylets. gusto naming makita ang isa't isa na magkakaharap na may kasamang bowa, kung anong itsura namin, kung anong reaksyon namin, kung magpa-paswit ba kami, kung babalahurain ba namin yung mga boylets namin at kung anu-ano pa. kelan nga kaya yun! saming tatlo ako ang hindi nawawalan ng boylet pero hindi ko pa naexperience na isama ang boylet ko kasama sila. hindi dahil sa ayaw ko, dahil hindi ako sanay at ayokong mahati ang atensyon ko sa kaibigan at bowa ko. at siguro din hindi namin nakasanayang tatlo, parang pag may ibang tao hindi namin mapapagusapan lahat ng gusto namin pagusapan. haha. anlabo devah! eto ang pinakamasayang adventure sa buhay ko. sana maulit pa! sunod galera naman!
pahabol: after 48 yrs. may work na ulit si jas! hahaha!masaya kami para sa'yo man! basta kaya mo yan! celebrate tayo! mahal ka namin! =)... sana magka-boylet na silang dalawa ni anne. para hindi na kami napagkakamalang magsyotang tatlo.hahaha

1 Comments:

At 5:14 PM, Blogger jas said...

ngayon ko lang nabasa yung ibang posts mo.

sana nga tumagal pa ako sa aking bagong maligalig na trabaho. alang alang kay ola holga camera, sige lang. :)

 

Post a Comment

<< Home