moonchild

let the moon take you....

Thursday, May 19, 2005

liham..

...kahapon ikaw ang bida sa kwento ko. antagal mo na kasing hindi nagpaparamdam at nagpapakita sa akin. sobrang busy ka ba ngayon? o baka may syota ka na ulit? o asawa? pero siguro naman pag nangyari yun sasabihin mo sa akin. ganyan ka naman talaga di ba? parang kabuteng nawawala at bigla na lang susulpot. siguro hindi ka masyadong nalulungkot ngayon kaya hindi ka pa nagpapakita ulit. pero ayos lang, sanay na ako sa'yo. pinapakilig mo naman ako pag nagkikita tayo kahit matagal tayong di magkita dala-dala ko pa rin yun:
  • pagsakay sa harap ng dyip
  • pagkain ng squid balls
  • pepsi bottle
  • ilalim ng punong hindi ko alam kung ano habang nakabantay ang 'buwan'
  • background na 'spending my days with you is like living in a world of fancy. with all the beautiful people i know. making love in a world of vivid colours, how often have i been there well it really doesn't matter as long as we're together' live!
  • pagdikit ng ating mga braso
  • pagtitig ng ating mga mata
  • kagwapuhan ng iyong mukha
  • ang iyong pag-awit kahit na hindi naman kagandahan ang boses mo
  • mga ngiting matamis
  • ang ating kwentuhan
  • mga pangarap
  • asaran, bukingan,pag-asa
  • holding hands na matagal ng panahon
  • bida sa mga kwento mo kahit tumanda pa tayo
  • pagsandal sa balikat ko
  • pagtanong ng mga bagay na gusto mong gawin pero ako ang pinipilit mong sumagot
  • ang hindi pagbanggit na mahal mo ako pero nararamdaman ko pag nakikita mo ako
  • at marami pa

siguro pag nakita kita nang di sinasadya mais-star-struck ako, yung kakabog ng malakas na malakas yung puso ko, parang inaatake. tas hindi ako agad makakapagsalita dahil tititigan ko lang ang maganda mong mukha tas ngingitian mo ako at tatawagin mo akong 'man'. sana makita na kita tas pi-picture-an kita ng madami tas pi-print ko lahat tas pagyayabang ko kay jas at anne. kahit di ka pa magpakita sa akin ng sobrang tagal basta may picture mo ako. tas magkukwentuhan tayo, tatanungin kita ng mga bagay na hindi ko pa natatanong at nasasabi sa'yo. naalala mo ba yung sulat na dapat na ibibigay ko sa'yo? yung sulat na limang taon na. na nasa akin parin. dahil nung time na ibibigay ko na sa'yo hindi ka nagpakita sa akin dahil may girlfriend ka na pala nun. ine-effortan ko talaga yung sulat na yun pero hindi ko na nabigay at mabibigay sa'yo dahil korniks na. pero sana sa susunod na magkita tayo wag mo na akong masyadong galangin, may kasablayan at kalokohan din ako kaya bastusin mo ako kahit konti. ayos lang =)

1 Comments:

At 12:36 AM, Blogger jas said...

ANO HINDI SHA NAGTEXTBAK? EBAK.

 

Post a Comment

<< Home