tensyon..
tensyon..
pahinga muna ang mga oso. nagkatampuhan.nagka-badtripan..
sa dami ng nangyaring sablay sa buhay ko. kahapon na lang ulit ako nagset ng oras na magkita kaming tatlo na ako ang dahilan. na kailangan at gusto ko silang makita at makausap. pag nasasaktan ako hindi ko masyadong nilalabas ang nararamdaman ko, minsan lang talaga. excited pa naman akong magkwento sa kanila dahil kahit papano gumaan na yung pakiramdam ko. at gusto kong i-share yun sa dalawang tao lang, si anne at jas. pero hindi ganun eh, dahil nagka-badtripan kami. kaya kong magpakabalahura sa ibang tao pero sa mga kaibigan ko, hindi! kahit kaninong tao na gustong mapakinggan, nakikinig ako. pero kahapon, gusto ko ako naman ang mapakinggan pero isa lang yung nakinig saken. kahapon lang sumama ang loob ko kay jas. ang dami kong kwento pero hindi pa natatapos at naguumpisa palang ang kwento ko jinudge na nya ako agad (yun yung feeling ko). pero sa totoo lang expected ko ng ganun ang magiging reaksyon nya at sasabihin nya saken. pero naiintindihan ko dahil ganun talaga sha minsan. pero wala akong matandaan na ginawa ko sa kanyang ganun.siguro wala lang sha sa mood kahapon. hindi na big deal saken yun..
tama si anne "mas mabuti kung maguusap tayo ng personal. pero baka matagal pa yun. palamig muna tayo. siguro mag-usap tayo at maging straight forward tayo minsan. di rin makakabuti kung mananahimik na lang tayo. dahil yun yung magpapatibay sa pagkakaibigan natin."
mahal ko kayo man..


0 Comments:
Post a Comment
<< Home