oportunidad..
oportunidad..
nananaginip pa ako ng uga-ugain ako ng nanay ko para gisingin. alas-sais palang ng umaga ginising na nya ako. inaantok pa ako pero kelangan kong gumising ng maaga dahil meron akong exam. tatlong beses na akong nag-exam para sa paga-apply ng trabaho at tatlong beses na rin akong di nagpunta. pero iba 'to, ibang oportunidad, ibang pagkakataon at iba rin ang kaba ko. mas mabilis ang kabog ng dibdib ko habang papalit ang oras. siguro dahil pinangarap ko rin makapasok sa kompanyang yun. hindi ko alam kung anong pupuntahan ko at mangyayari saken. ka-pressuran at ka-big deal-an ito, nung una ayokong sabihin sa pamilya ko dahil ayokong mag-expect sila ng sobra dahil baka hindi ko magawa sa huli.
pag dating ko dun, kala ko late nako. pero dahil matagal yung mag-papaexam tinorture muna kami sa kalamigan ng kwarto dahil anlakas ng aircon. at pag oras na ng exam hindi na aandar ang utak mo dahil sa lamig. torture yun devah! dahil in the mood ako kanina, kinakausap ko yung mga applicants na feel kong kausapin at gusto rin akong kausap. kung alam ko lang na pedeng mag-tsinelas at maong dun eh di sana hindi na ako masyadong nag-umeffort sa damit, pero ayos lang hindi naman ako masyadong formal, naka-red shoes naman ako.hehe. eto ang mga taong chinika-chika ko kanina: dorothy-26yrs old, initial interview nya kanina pero hindi pa sya nag-eexam, accounting yata sya. gian- 22yrs old from UP, researcher. sa dami nyang na-applyan, kinuha ko lahat ng address ng pinag-applyan nya dahil pag-aaplyin ko dun si jas.hehehe.ryan-23yrs old, mass comm, call center agent. yung iba mukhang matalino pero hindi ko sila trip, yung iba naman maganda nga pero hindi ko parin sila trip. hndi ko alam kung mapapasa ko yung exam na yun. basta sabi maghintay na lang ng tawag by next week pag walang tumawag sa'yo mamatay ka kakahintay. three sets yung exam, 15mins. mo lang dapat sagutan. syempre sa sobrang igsi ng oras mamadaliin mo ang iyong pagbabasa at pagsagot, para kahit papano masagutan mo sya lahat. at pag sinabing "5 mins left" sobrang bibilis ang kabog ng dibdib mo at pagsagot mo. buti na lang lapis ang gamit, pede magbura. hay nakakaloka talaga. btw, hindi ko alam na ganun pala karami ang trainees nila halos kasing dami sila ng mga applicants. loka. hindi ko alam kung papasa ako sa exam na yun at kung may chance pa akong tawagan nila. pero hindi naman na ako nag-eexpect ewan ko lang sa pamilya ko. kung magbabase sila sa character test siguro pede pa.hehe. kahit hindi na ako ma-chuva dun ayos lang nag-enjoy naman ako.
aasa pa ba ako?
=)


0 Comments:
Post a Comment
<< Home