moonchild

let the moon take you....

Thursday, April 07, 2005

nalasing na naman ako kagabi..

nalasing na naman ako kagabi..
Image hosted by Photobucket.com


nalasing na naman ako kagabi pero hindi literal na uminom ng alak. nalasing na naman ako kagabi dahil sumakit na naman ang puso ko. yung feeling na parang ok ka lang kanina pero ngayon umiiyak ka na. umiiyak ka kahit hindi mo alam kung bakit, dahil wala lang o kahit alam mo man kung bakit ayaw mo naman tanggapin yung rason kung bakit. kagabi habang binabaybay namin ang kahabaan ng maynila bigla na lang tumulo yung luha ko. bigla kong naramdaman yung sugat sa puso ko. akala wala na yun eh, akala ko magaling na pero hindi pa pala. habang umiiyak ako para akong batang nagpipigil sa pag-iyak pero habang nagpipigil lalong lumalakas ang tulo ng luha. ayokong makaramdam ng lungkot kagabi. malungkot ako pero ayoko ng kausap. minsan mahirap ipakita sa ibang tao na ok ka lang but deep inside sobrang masakit ang puso mo, mahirap magpanggap. marami na akong napagdaan, marami ng nabasag at nawala saken. gustung-gusto ko ng mabuo ulit. pero hindi ko alam kung paano at saan pupulutin yung mga pirasong yun. gusto ko ng makita si lorns na buo ulit. gusto ko ng makita ulit yung peace of mind ko. gusto kong may magawa at may mapatunayan ako sa sarili ko naman. pagod na akong makaramdam ng sakit. kanina pag gising ko akala ko may hang-over pa ako, pero sinabi ko sa sarili ko hindi ko na mararamdaman yung lungkot na naramdaman ko kagabi. ayoko ng makaramdam ng kahit ano para sa'yo.

4 Comments:

At 11:38 PM, Blogger jas said...

hanep sa pic. intense. hardcore. winner.

 
At 12:47 AM, Blogger jas said...

ay btw, ni-repost ko yan saken ha. salamat.

 
At 12:47 AM, Blogger jas said...

ay btw, ni-repost ko yan saken ha. salamat.

 
At 12:47 AM, Blogger jas said...

ay btw, ni-repost ko yan saken ha. salamat.

 

Post a Comment

<< Home