moonchild

let the moon take you....

Tuesday, April 05, 2005

nag-trip na naman si lorns..

nag-trip na naman si lorns..

Kahapon sobrang na-bored ako sa office dahil hapon na nung magkaroon ako ng kasama. Hindi nga ako nag-lunch dahil nawalan ako ng gana. Hindi naman kami nagkita ng mga oso dahil pagod din sila at na-hassle naman ako dito sa office. Hindi ko alam kung ano na naman ang sumapi saken at nun ko na lang ulit naramdaman yung ganung lungkot. Bago ako umuwi naiispan kong dumaan sa isa pang osong alam kong makikinig saken(hindi ko na kasi mabubulabog si jasbeibe dahil medyo gabi na). Kaya si P.I. na lang ang pinuntahan ko. Pero pagdating ko sa kanila, wala pa pala sya dahil rumaket sha sa makati. Pero hinintay ko pa rin sha kasi gusto ko ng kausap para mabawasan ng konti yung lungkut-lungkutan ko. At dahil hindi nya dinala ang ketay nya hindi ko alam kung gano ka-48 yrs ako maghihintay. Buti na lang at naisipan nyang tumawag sa landline ng tita nya. Hindi ko alam pero nung narinig ko yung boses nya at sa pagangat ko palang ng telepono. Naramdaman kong paiyak na ako. Gusto kong pigilan dahil mahahalata nya sa boses ko pero hindi ko nagawa. Hindi ko talaga alam kung bakit ako umiyak. Siguro dahil sa mga oras ma yun malungkot talaga ako, at bukod kay anne at jas sa mga oras na yun sya lang din ang makaka-comfort saken. Tinanong nya ko kung bakit ako umiiyak, sabi ko wala lang. Tas sabi nya wag daw akong aalis, hintayin ko daw sya in 30mins. nandun na daw sya. Eh sa makati pa kaya sya manggagaling. Infairness, dumating sya after 30mins. Hindi ko alam kung anong ginawa nya para makarating sya ng ganun kabilis. Pero sabi nya nagtatakbo sya, sumakay ng LRT, nagtatakbo ulit, napagkamalan pa syang holdaper kasi pag baba nya sa dyip nagtatakbo sya ulit kaya nagtinginan yung mga pasahero sa dyip. Nung dumating sya ok na ako. Ganun lang. Parang na-adik lang ako. Pero na-touched talaga ako sa effort nya. At wala ng mag-uum-effort saken ng ganun. Kaya kumain na lang kami ng dinner kasi late na talaga yun eh. Salamat oso..laging nandyan ka, kahit gano ka kalayo, kahit nasan ka, basta kailangan kita hindi mo ako iniiwan..peace..
Minsan, pag umiyak ka at pag masakit ang puso mo hindi mo kailangan ng rason at ng tanong kung bakit..

2 Comments:

At 9:41 PM, Blogger jas said...

hanep sa userpic ah. san ang swimming? hehehe. :)

 
At 9:16 PM, Blogger adiksabuwan said...

haha!dito lang sa office.wahaha!edit ko sana eh kaso tinamad na ako. =) ano ka ba sa pics lang ako maganda.wahaha!

 

Post a Comment

<< Home