ang mga oso at tawanan nila..
ang mga oso at tawanan nila..

kahapon magkakasama na naman ang tatlong osong mall rats.. parang antagal nilang hindi nagkita. tawanan lang sila ng tawanan habang kumakain. pinaguusapan ang mga ibang tao at mga fantasya nila, ang isa nilalait ang isa habang ang isa naman pinagtatanggol ang isa. hahaha! ngayon napaguusapan na nila yung mga bagay na hindi nila pinaguusapan dati. tumatanda na nga sila pero mababaw parin. habang naglilibot sa department store, nag-trip ang mga oso. pinagsusukat ang mga eyeglasses at nagpiktyuran, pati mga sombrero at tsinelas hindi pinatawad. dahil adik sa piktyur, nagpa-print si jas at anne pero hindi ako kasali dahil olats ang ketay ko. kaya kinuha ko yung tag-isang kopya nila.hahaha!tuwing magkikita ang mga oso lagi nilang sinasabi na "mag-usap naman tayo ng mga madibdibang usap" pero hindi naman natutuloy dahil lagi silang masaya pag magkakaasama kahit na may mga sablay sa buhay nila. etong tatlong osong 'to, kaya nilang walang boylet sa buhay nila basta magkakasama sila. nakakatuwa. ang isa hindi pa nagka-kaboylet since birth, may pagkakataon na nararamdaman nyang gusto na nya pero pinipigilan parin nya dahil takot sya kundi naman laging nagtatago. minsan, sabi nya saken "lurns, pag may dumating hindi na ako magtatago" gudluck!eh papali-palit ng isip yung isang yan. yung isa naman, isang beses lang nagka-boylet long distance relationship naman pero dahil hindi naman sya ganun kaseryoso nung mga panahon na yun at kahit minahal nya kahit papano yung mokong na yun hindi rin sila nagtagal. kaya ngayon gusto nya na ulit ma-experience yun, ramdam ko lang. at eto namang isa, hardcore na sa usaping puso. iniwan, nang-iwan, nagmahal, minahal, nasaktan, nakasakit, naghintay, hinihintay, umaasa, nagpaasa, lumuha, tumawa, kinilig, nadurog, nadapa, tumayo, sumaya, nalungkot, baliw, adik, lahat na ng emosyong pang-puso naramdaman na nya. etong tatlong 'to malayo pa ang lalakbayin at marami pang pagdadaanan na magkakasama. patuloy na kakapit sa isa't isa kahit saan man sila makarating..
sa inyo mga kapatid, salamat..


2 Comments:
kagaganda ng tatlong abnoy na yan no? :)
salamat kapatid sa mga moments.
haylabshyu.
panalo yung tatlong yon!
Post a Comment
<< Home