halusinasyon ba itu!
halusinasyun ba itu?
kahapon paggising ko, dumiretso ako sa sofa at naupo. was thinking about someone, tas napatingin ako sa grad pic ko. tas parang may kakaiba akong nakita. while im staring at my pic, parang bumubuka yung bibig nya tas nagiiba-iba yung expression ng mukha ko dun sa pic. 3 times akong pumikit, at dumilat, nilapit ko yung mukha ko at tinitigan kong mabuti. pero ganun parin ang nakikita ko. habang bumubuka yung bibig sa pic, parang "blah,blah,blah" lang ang sinsabi nya, sa form ng pagbuka ng bibig. naloka talaga ako. siguro pinapagalitan ako ng sarili ko dahil sa mga ka-shongahan at kasablayan ko. tas kinwento ko sa kambal ko (liza), pinagtawanan ako, sabi nya "pinagtatawanan ka ng sarili mo". tas nagtawanan kami. adik ako pero iba naman yung pagka-adik ko. adik ako kay luna, at adik sa ibang bagay. pero ngayon ko lang na-experienced yun. nasa wisyo na ako nun, pero hindi ko alam kung nag-hahallucinate ako o kung ano man yun, o baka may sapi ang mata ko nung mga oras na yun.hehe. =)
doorbell ng dyip..
kanina hanef yung nasakyan kong dyip. normal mo ng makikita sa loob ng dyip ang mga katagang "bayad muna bago baba", "hatak to stop", at marami pang iba. pero kanina habang nasa dyip ako, may biglang pumara "ma para!" pero dahil sobrang bilis ng manong hindi sha narinig nito. nagulat na lang ako nang may pinindot sa bandang itaas yung manong na katabi nya. aba!sosyal!may doorbell ang dyip!lufet!as in like doorbell sa bahay ah!at pag pinindot mo 2 beses syang tutunog.haha!aliw talaga!


0 Comments:
Post a Comment
<< Home