moonchild

let the moon take you....

Tuesday, May 10, 2005

closure..

closure..
gusto ko ng 'closure'
gusto ko ng matapos 'to
gusto kong malaman yung totoo
gusto kong ipakita sa'yo na ayos ako
pero ngayon, ayoko na
ayoko ng makarinig ng kahit ano galing sa'yo
ayokong makaalam ng kahit ano tungkol sa'yo
ayoko ng makaramdam ng kahit ano para sa'yo
ikaw ang bangungot sa pagpikit ng mga mata ko
ikaw ang anino na hindi lumalayo sa isip ko
ikaw ang pangarap na ayoko ng matupad
pero ako ang panaginip na hindi magpapatahimik sa'yo
ngayon, sasabihin mo sa aking
'kung alam mo lang'
kung alam mo lang din kung anong nararamdaman ko
ilang beses kang naging 'unfair'
ilang beses akong lumuha dahil sa'yo
at ilang beses kong binuo ang sarili ko
ngayon sasabihin mo sa aking mahal mo ako
oo, mahal mo ako
pero mas mataas ang pangarap mo
gusto kong makita mo ang mukha ko
para maging sampal sa'yo
eto ang gusto ko
eto ang gusto kong maramdaman mo
ang aminin sa akin na mahal mo pa ako
na nagkamali ka
eto ang gusto ko dahil
eto ang pagganti ko
eto ang hinihintay ko
ngayon patas na tayo...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home