bakit kilala mo ako?
kanina nakasakay ako sa unahang bahagi ng dyip, sa tabi ng driver. tas yung isang guy na nakaupo sa likod lumipat sa tabi ko. napansin ko yun pero deadma na lang baka trip nya lang umupo sa unahan para hindi masyadong hassle sa kakaabot ng bayad ng ibang pasahero, parang ako.hehe. tas maya-maya, ginalaw nya yung balikat ko tas deadma lang, baka di nya sinasadya. tas binaggit nya yung pangalan ko "lorna", tas natawa ako sabi ko "kilala mo ako?" sabi nya, "hindi mo na ako natatandaan?" "hindi", tas biglang napaisip ako. hindi ko naman sha siguro ex noh, kasi kung naging ex ko sha, isa lang naging boylet ko nung hayskul, malabo naman nung college, wala naman din akong naging boylet nun. tas iniisip ko talaga, hindi ko na sha kinausap kasi natatawa talaga ako. parang ang tarantado ko nung hayskul. tas nung bababa na ako sa welcome, bumaba na din sha. tas tinanong ko kung anong pangalan nya hindi naman nya sinabi. tinanong nya ulit kung talagang hindi ko na sha natatandaan, sabi ko hindi talaga sabi nya "mabuti". tas bigla nyang sinabi na kami daw yung pinagaway nung bestfriend ko nung hayskul. na barkada daw sha nung ex nung bestfriend ko nga. anlabo nga eh. tas yung tono pa nya parang nanligaw sha saken o kung ano man. siguro ang unfair ko sa kanya kasi hindi ko talaga matandaan, may amnesia na ba ako o shonga lang ako. at alam pa nya kung san ako nakatira tas kilala nya yung kambal ko. anlabo talaga. hindi ko alam na may nakaaway akong guy nung panahon na yun. adik yata yun eh. hayy anlabo ng memorya ko. pero infairness, kyut sha kaso hindi ko talaga sha maalala na kilala ko pala sha. hahaha. adik talaga ako... =)
*****pakshet! ang mahal na ng pamasahe ngayon.....***


15 Comments:
Hehehehe.. Kakatuwa, Lhorns!
'Pag yung isang guy mejo maraming alam tungkol sa'yo kahet na hindi mo sha kakilala, ibig sabihin, in one way or another, may gusto sayo yun. Sana 'di maging stalker. Hehe.
hahaha!natawa ko sa comment mo man. in-analyze ba!hahaha. labo nga nun eh. parang dami nyang alam saken pero ako hindi ko alam na kilala ko sha.hahaha.adik kasi ako eh. =)
uy may bagong prospect! boyps na yan!! ahahahahaha!!!
prospect ka dyan. hindi po kaya. mukhang playboy eh. besides hindi ko talaga sha matandaan ever.hehehe.
hahahaha... shet... go gurl na... ano ba! kmi nga ni jas kahet sa bus nangangarir!
naku, mukang mga desperado na mga to ah.. heheheh
naku, mukang mga desperado na mga to ah.. heheheh
hoy ang kapal mo ha! WE.ARE.NOT.
we were just having fun. and besides,what are the chances that we're gonna see that dude again? so wala namang mawawala samin diba?
we're 23 years old, we have to do something stupid and crazy bec after the age of 25 what's crazy is just plain immature.
*di daw desperado o, pero defensive. wahahahaha.
korek ka dyan jas! and besides rob, kahit korni sa ibang tao yun, pag tumatanda ka na minsan yung korni mas masaya. mas korni na kasi yun pag ginawa mo kung kelan matanda ka na. wag mo ng hintaying umabot ka sa 25yrs. old at magumarte kang bata. devah!tsaka tingnan mo na lang yung mukha naming tatlo, mukha pa kaming bata devah! hahahahahahhahahaha! magpakita ka na kasi para hindi ka namin pinagkakaisahan. =)
wahahahahaha!!
pagtulungan na si rob! kuyugin na yan!!
*si jas destructive mode.
i totally understand, dudes.
ako nga, kilos teenager pa rin eh. hehehe.. eh pano, mga kasama ko sa bahay, pero college students. :p
sali nyo ko sa 'mukhang-bata' grup, kaka-shave ko lang! para akong kindergarten, putek! hehehe
pati kulotitos mo nawala na?
btw rob, hindi pa pala namin nasasabi sayo na kulay green ang buhok naming tatlo ngayon. so ibig sabihin mas kyut kami ngayon. WAHAHAHAHAHAAHAH!imaginin mo na lang =)
GRrrRRrEEeEEnN?? Whoa whoa whoa..
Di nga..seryoso..totoo?! Hehe. Ano naman pumasok jan sa mga kukote nyo at nagpa-berde kayo ng buhok nyo? Di ba mukhang wig? Nyehehe..
Cge, gusto ko makita yan! :D
Oi Jas, hinde ah. Haba na ng buhok ko, bat ko pa pagugupetan? Grunge ito! hehe..
sali naman ako... man aamini ko na DESPERADO ako pero MASAYA ako! ahahahahahahahah... oh yes GREEN ang buhok namen! hahahah saken sa ilalim lang actually... ROXY GURL 'to! hahahahah...seee rob soon!
totoo rob! wala pa kasi kaming pic na magkakasama na green yung buhok namin eh. maybe pag nagkita kami dis week. ganyan talaga ang mga adik, kanya-kanyang trip lang yan man!hahahahaha! at hindi mukhang wig ha! maganda po kaya!hahaha!maganda kami syempre!yan ang napapala ng mga taong ayaw magpakita, maraming namimiss!wahahahahahahha!
Post a Comment
<< Home